Anne, ‘di pa rin alam kung kailan babalik ng Pilipinas
Anne
Anne, ‘di pa rin alam kung kailan babalik ng Pilipinas
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - September 18, 2020 - 12:00am

Since December of last year ay nasa Australia na si Anne Curtis with husband Erwan Heussaff, dahil doon siya nanganak sa first baby nilang si Dahlia Amelie. Doon na rin sila inabutan ng lockdown due to COVID-19 pandemic, kaya naman hindi na sila nakauwi pa ng Pinas up to now.

Sa kanyang panayam with G3 San Diego last Tuesday, inamin ng aktres na nami-miss na niyang umarte and in fact, may mga pelikula na nga raw na naghihintay sa kanya sa Viva Films once na umuwi siya ng bansa. “I’ve spoken to Viva. May  movies na kaagad pag-uwi ko anytime na magaganda rin. Actually tinatanong na nga ako kailan ako uuwi. But we’ll see,” pahayag ni Anne.

Of course, she still wants to work but ang priority niya syempre ay ang kanyang pamilya. “I know that eventually I will get back to it. That’s for sure. Pero siyempre, hindi ko lang siya priority as of now. Siyempre meron akong bagong baby. And I really want to be here for her as much as I can. Parang I don’t want to miss out on any of her firsts. Gusto ko super present ako,” she said.

Aside from acting, miss na rin daw niyang mag-host ng It’s Showtime, gayundin ang co-hosts niya.“Hopefully by the end of this year, we’ll be able to come back to Manila na. Pero of course, playing it by ear pa rin. We’ll see. Pero ‘yun naman talaga ang goal, makapag-Pasko kami diyan sana,” ani Anne.

Bayani, kasali sa noontime show ng TV5

Masayang-masaya si Bayani Agbayani na kasama siya sa bagong noontime show ng TV5 na magsisimula na ngayong Oktubre, ang Lunch Out Loud. Aniya nang makatsikahan namin via text messages the other day, napakabait daw talaga ni Lord sa kanya. “Isinama ako ng producer na si Cong. Albee Benitez, nanonood kasi siya ng shows ko sa ABS-CBN at natatawa siya sa akin sa I Can See Your Voice at minsan na rin kaming nagkasama sa pa-show niya sa province nila. Pero sa paniniwala ko, gift ‘to ni Jesus and Mama Mary sa akin,” pahayag ni Bayani.

Matagal na pala siyang walang kontrata sa ABS-CBN, pero nagpaalam pa rin daw siya sa mga boss para sa bagong show sa TV5. “Nagpaalam po ako kay tita Cory Vidanes at tita Linggit Tan. Wala po akong contract sa ABS-CBN, talagang mabait lang po talaga sila sa akin kaya lagi akong may dalawang shows sa kanila,” ani Yani.

Sobrang thankful daw siya na may mga dumara-ting na offer pa rin sa kanya lalo na nga ngayon sa panahon ng pandemya. “Sobrang pasasalamat po talaga ako sa Diyos kasi galing ako sa problema last week. Naospital nanay ko, kala ko, mawawala na siya. Pero ngayon, sobrang lakas na niya at ‘eto, binigyan na siya ng panibagong buhay, binigyan pa ako ng hanapbuhay,” pahayag ng komedyante.

Makakasama ni Bayani sa bagong noontime show sina Alex Gonzaga, Billy Crawford, K Brosas, Wacky Kiray and Edu Manzano.

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with