Catriona at Sam, nag-ayuda ng bisikleta
Catriona at Sam, nag-ayuda ng bisikleta
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - September 18, 2020 - 12:00am

Limampung bisikleta ang donasyon ng showbiz couple na sina former Miss Universe Catriona Gray at Sam Milby katuwang ang Cornerstone Talents at iba pa para sa residente ng Pasig City.

Suporta nila ito sa Donate A Bike Save A Job na program ng TV host na si Gretchen Ho.

Ipinakita ni Gretchen ang mga binigay na bisikleta sa kanyang Instagram account. Bahagi ng caption niya, “May nabigyan na naman tayong 50 trabaho. Sa ngayon 185 bikes na naipamigay natin. Let’s put more riders on the road.”

Ai Ai, 110 na lang

Na-achieve na ni Ai Ai de las Alas ang timbang na gusto niya – 110 pounds!

Yes, happy and thin na si Ai Ai kaya naman buong ningning niyang ipinagmalaki ang seksing kurbada sa kanyang Instagram. “HAPPY AND THIN – na-achieve ko na ang 110 (lbs).. papataba na ako haha,” bahagi ng caption ng Comedy Queen.

Nakatulong kay Ai ang quarantine upang matupad ang ideal weight lalo na’t nagpapa-borta naman ang asawa niyang si Gerald Sibayan, huh!

CATRIONA GRAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with