Mark, hinihintay kung pakakasalan si Nicole!
Mark, hinihintay kung pakakasalan si Nicole!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 18, 2020 - 12:00am

Ngayon, hindi na nga yata natakasan ni Mark Herras ang pagiging tatay ulit, dahil buntis na nga ang kanyang girlfriend na si Nicole Donesa.

Maraming pagkakataon nang natsismis na tatay na ulit si Mark, dahil ang dami niyang naging girlfriends na hinuhulaan nga nilang pakakasalan na niya, pero hindi rin naman nangyari iyon.

Ilang taon na ang nakaraan, nabuntis din ni Mark at nagsilang ng kanyang panganay na anak si Dianne Evangelista. Ngayon ay six years old na ang kanilang anak na si Ada.

Bagama’t hindi niya pinakasalan ang nanay ni Ada, sinasabi namang hindi pinabayaan ni Mark ang kanyang anak.

Ang tanong ngayon, pakakasalan na ba ni Mark ang syota niyang si Nicole lalo at buntis na iyon?

Depende talaga iyan kung handa na nga siyang lumagay sa tahimik. Kasi nasa tao naman iyan eh. Hindi tamang katuwiran iyong dahil may anak ka kailangang pakasal ka. Iba ang responsibilidad ng pagiging isang ama sa responsibilidad ng pagiging asawa.

Kung hindi pa nga niya kayang harapin ang obligasyon ng isang lalakeng may asawa, mas mabuti ngang pangatawanan na muna niya ang kanyang obligasyon bilang tatay na lang.

Iyan ang isang maling paniniwala noong araw, na basta nabuntis ang babae, kailangang pakasalan ng nakabuntis sa kanya. Kung hindi pa nga handa pareho at magkakahiwalay din pagkaraan ng ilang taon, mas kawawa ang isang bata dahil magkakaroon ng epekto sa kanyang isipan at emosyon ang hindi pagkakaintindihan ng mga magulang niya.

Sinasabi ngang iyan ang karaniwang simula ng ibang damdamin ng isang bata na maaaring maging juvenile delinquent pa paglaki.

Nadine, abala sa tuyo

Ipinatikim daw ng kanilang kasambahay kay Nadine Samonte ang tuyo galing sa Masbate, at nagustuhan niya iyon. Iyon ang dahilan kung bakit niya naisipang gawing negosyo ang tuyo, dilis at daing.  Kumukuha siya sa Masbate, at ipinagbibili naman sa mga interesadong buyer dito sa Maynila.

Naisip niya, magandang negosyo nga iyon, at habang ayaw naman niyang tumanggap ng trabaho sa show business, dahil ngayon kung may taping kailangan naka-lockdown ka, at dahil natatakot din naman siyang kung lalabas-labas ay baka makapag-uwi pa siya sa bahay ng virus, ayun nga nagnegosyo na lang siya ng tuyo at daing.

Male starlet, kinukupitan ang mga binebentang bigas

Rumaraket na naman ang isang male starlet. Noong una nagbenta siya ng mga sapatos na fake naman at kinukuha lang niya sa tiangge sa Greenhills, tapos ipinapasa niya bilang original.

Ngayon ang kuwento naman ng aming source, nagbebenta siya ng saku-sakong bigas na karaniwan ay kulang ng mga dalawang kilo ang timbang. Madali naman kasing sundutin ang sako at bawasan ang bigas.

Hindi mo iisiping magagawa niya ang ganoong raket, dahil kahit na nga hindi masyadong sikat, artista pa rin naman siya. Pero aywan, may mga tao yatang hindi maaaring mabuhay nang parehas.

Kaya sabi nga ng aming source, huwag kayong bibili ng bigas sa male starlet na iyan. Tiyak na madadaya lamang kayo.

MARK HERRAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with