Sikat na personalidad matagal naghintay na matapos ang ghost month
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - September 17, 2020 - 12:00am

Tapos na kahapon ang ghost month kaya naman inaasahang may isang sikat na personalidad na magpa-file ng demanda.

Marami ngang naghihintay na matapos ang September 16.

Ito rin ang sinasabing hinihintay ni Kris Aquino pero tulad sa nasabi niya, definite na hindi na nga matutuloy ang kanyang programang Love Life With Kris kahit pa matapos ang ghost month.

Problema sa producer ang naging dahilan ayon sa source. At hindi basta problema chika pa ng source.

Ken nakakakilig ang birthday post para kay Rita 

Isang nakakakilig na birthday greeting ang ipinaabot ni Ken Chan para sa kanyang Kapuso love team na si Rita Daniela sa Instagram. 

“You’ve always been there for me, through tears and fears you never forsake me. You’ve been my loyal supporter and you always saw the best in me,” lahad ni Ken sa caption kalakip ng isang montage na naglalaman ng cute videos ng aktres na kuha mula sa set ng One of the Baes at ng upcoming movie nila na My First and Always. 

Dagdag pa niya, “You’ve been a blessing in my life and I am grateful from up above. Happy Birthday to you my Choy @missritadaniela! I pray that God will grant you the desires of your heart.”

Samantala, inaabangan na rin ang kanilang pelikula na My First and Always kung saan isang seminaristang malapit nang maging pari ang role ni Ken at isang babaeng bar singer naman si Rita. 

KEN CHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with