Pat-P, namigay ng appreciation gift
Pat-P, namigay ng appreciation gift
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 17, 2020 - 12:00am

The height na yata na pati si Pat-P Daza ay binigyan ako ng red envelope o ampao. Appreciation gift niya raw dahil ipinakilala ko siya sa isang Papa Santa Klaus ko.

Bongga rin si Pat-P na favorite travel buddy ko, dahil masarap siyang kasama sa biyahe, except for times na hinahanap niya ang mga recommended eating o shopping place ng kanyang ilang friends, na nanggaling na sa lugar na pinuntahan namin.

Team player siya, punctual, walang delay sa kilos at hindi maarte sa pagkain. At gusto ko rin ‘yung pagiging thankful niya sa small things ha.

Thank you Pat-P sa red envelope, gagawin kong lucky money iyon forever ha, saka worth it ‘yung talent at working attitude mo kaya ka nandiyan, hindi dahil kahit kanino, talagang fated na maging Ms. Bacolod MagikLand ka, nanay mo yata si Jullie Yap Daza. Lalaban pa ba ang iba?

Panalo na si Pat-P noh, congrats at thank you. 

PPE ng Kamiseta, bonggang pang-rampa

Birthday ni Salve this month, at binigyan ko siya ng isang recycled beach towel na galing US Disneyland na regalo sa akin nina Bongbong at Liza Marcos.

Ayaw tanggapin ni Salve dahil akala niya galing kay @dpersonalshopperph na binigyan din kami ng beach towel.

Kasi alam ko na may pagka-social climber si Salve kaya sa kanya ko binigay ‘yung gift sa akin nina Sen. Bongbong at Liza, para feeling rich and famous siya pag gusto niyang i-display sa beach, at puwede rin sa anak niyang si Aries dahil Mickey Mouse ang print.

Natutuwa akong makita na kahit enjoy si Salve sa work-from-home status niya ngayon, suot pa rin niya ang PPE ng Kamiseta at feeling sosyal, hah hah.

Wala talagang tatalo kay Salve sa art of projection, sure ako na maganda ang photo na ilalagay niya rito dahil birthday niya.

Happy birthday Salve, layo na ng narating mo ha, pati PPE ginagawa mong outfit, bongga.

LOLIT SOLIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with