Carlo nag-iipon bago pakasal, pagbubuntis ng GF itinangging itinago
Carlo
Carlo nag-iipon bago pakasal, pagbubuntis ng GF itinangging itinago
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - September 17, 2020 - 12:00am

Ngayong isa nang ganap na ama si Carlo Aquino sa first baby nila ni Trina Candaza na si Enola Mithi, ayon sa aktor ay sobrang sarap sa pakiramdam na mayroon siyang sariling pamilya ngayon.

“Sobrang sarap sa pakiramdam na hindi na ‘yung sarili mo ‘yung priority kung ‘di ‘yung mag-ina mo na, ‘yung family mo. Ang sarap na nagtratrabaho ka para sa kanila. Kasi ito, future ng anak ko ‘yung nakasalalay ‘di ba? Siyempre gusto mo maging stable, maging maayos kung saan siya mag-aaral, ‘yung mga ganung bagay,” sabi ni Carlo sa kanyang panayam online kay Darla Sauler last Tuesday.

Matatandaang few days ago ay ibinunyag ni Carlo na may baby na sila nang mag-post siya ng larawan ni Enola Mithi sa kanyang Instagram page. Marami ang nagulat dahil walang nakakaalam na nagbuntis ang kanyang girlfriend lalo pa nga’t hindi naman nila ito in-announce officially.

Ayon kay Carlo ay Sept. 8 nanganak si Trina at wala naman daw silang balak ilihim ito since from the start ng pagbubuntis. It’s just that hindi lang daw sila nagpo-post.

Nagkataon din na during the pregnancy ay naka-quarantine ang bansa, kaya siguro walang masyadong nakaalam. Pero lumalabas naman daw sila kapag nagpapa-check up at hindi naman daw sila nagtatago. “Hindi naman namin tinago. Hindi lang namin na-post. Pero kasi kapag lumalabas kami, although naka-mask, may mga nakakakilala pa rin sa akin… May mga nagpapa-picture. Eh kasama ko si Trina. Alangan naman,” pahayag ni Carlo.

Dagdag pa ng aktor, “little angel ‘yun eh. Blessing ‘yun. Bakit mo itatago ang ganyan kalaking blessing at happiness sa buhay mo? Hindi rin naman ako nagpo-post para sa ibang tao. Nagpo-post ako kasi gusto ko, gusto namin ni Tina i-share ‘yung happiness.”

Sobrang thankful din ni Carlo sa kanyang girlfriend dahil napakarami na rin daw nilang pinagdaanan and yet, she chose to stay by his side. “Grabe rin naman ‘yung pinagdaanan namin ni Trina para dumating kami sa ganito. Kaya very proud din ako sa kanya, siyempre, sa lahat ng sakit na naranasan niya para mag-stay siya sa akin, para ituloy namin ‘yung relationship namin at magkaroon ng isang napakagandang blessing na ganito. Sobrang thankful din talaga ako sa kanya,” sey ng aktor.

When asked kung kasal na ba sila ni Trina, ani Carlo ay hindi pa raw. “Saka na. Siyempre, mag-iipon pa,” sambit niya.

CARLO AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with