KC, sa farm na gustong tumira
KC
KC, sa farm na gustong tumira
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - September 17, 2020 - 12:00am

Dahil nasa The Farm at San Benito (Batangas) pa rin si KC Concepcion, marami tuloy ang nagtatanong kung endorser ba ng nasabing health and wellness place ang panganay na anak ni Sharon Cuneta? Pero ang sagot, No!

Favorite lang daw talaga ni KC ang lugar na ‘yon at ng mga malalapit kay KC, kaya ang tagal na niya sa lugar na ‘yon.

Sabi ng isang nakatsikahan ko, may special package raw na ibinibigay kay KC para sa pag-stay niya sa lugar na ‘yon. Sa ngayon daw, mas type raw ni KC ang mga ganoong klase ng lugar.

I heard nga, Ateng Salve, na gusto rin daw ni KC na bumili ng farm.

Well, marami talagang mga celebrity na gusto ng farm life lalo na ngayong COVID-19 pandemic.

Ikaw, Ateng Salve, type mo rin bang maging farm girl? Parang ang sarap ding magtanim-tanim, huh!

Ako nga sa backyard ng house namin, may mga tanim na kami ng pamilya ko at malaking tulong din ‘yon ngayong may pandemic, ‘noh?! ‘Yun na!

Ruffa, bawal pang ilantad ang bagong trabaho

Alam mo, Ateng Salve, nami-miss din ni Ruffa Gutierrez ang Amanda del Mundo character niya sa Love Thy Woman na nagtapos na nga ang airing sa Kapamilya Channel last week. Kasama siyempre sa nami-miss din ni Ruffa ang lock-in taping nila para sa nasabing teleserye, plus ang co-stars and the staff na sobrang naging close sa kanya.

Pero after nga ng teleserye nina Kim Chiu at Xian Lim, may next project na si Ruffa. At ok din naman sa former beauty queen na mag-lock-in taping siya uli, dahil sanay na rin siyang sundin ang health and safety protocols na pinatutupad ng production. Nakatakda nga siyang mag-swab test kahapon at pupunta na sa lock-in location nila na out of town.

Naaliw nga pala ako kay Annabelle Rama dahil na-excite ang nanay ni Ruffa sa bagong project ng anak. Sabi ni Bisaya sa akin, “May bagong project si Ruffa, pero bawal pang isulat kung ano!” Sagot ko naman kay Bisaya, “Tita, alam ko na. Sa akin unang tumawag at nag-inquire. Hahaha!

Natawa na lang si Bisaya dahil nauna ko pa palang nalaman ang tungkol sa project na itsinitsika niya.

Pero, ‘yun nga lang, Ateng Salve, bawal pa nga raw talagang i-reveal.

Exciting lang dahil isang Kapa-milya project ‘yon, pero hindi pa sinasabi kung saan ba talaga ipapalabas.

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with