Eat Bulaga naging daan para mahanap ang anak ng contestant na may problema sa isip
Eat Bulaga naging daan para mahanap ang anak ng contestant na may problema sa isip
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 17, 2020 - 12:00am

Nakakatuwa at masasabi nga sigurong nakakagulat din ‘yung nangyaring iyon sa isang taong may problema sa pag-iisip na isang taon at kalahati nang hinahanap at hindi makita ay nakita sa loob lamang ng ilang araw matapos na maipalabas sa Eat Bulaga.

Aywan kung kaninong ideya iyon, na naisip nila na ang kunin doon sa Bawal Judgmental ay mga taong nawawalan ng anak.

Ang isa sa mga kasali na si Muriel Morena ay mahigit na isang taon nang hinanap ang anak niyang si Earl John, na nawala habang siya ay nagtitinda ng banana cue sa EPZA sa Cavite.

Noon ngang mapunta siya sa Eat Bulaga, sinabi niya iyon, nanawagan siya at ipinakita ang picture ng anak niyang may problema sa pag-iisip. Makalipas lang ang dalawang araw, nag-announce si Vic Sotto na nakita na raw ang anak ni Muriel pero kailangan ang verification.

Nakita raw ang kanyang anak na pagala-gala sa Angeles City. ‘Yung mga nakakita, nag-report sa social media page ng Eat Bulaga. May nagpadala ng picture at kinumpirma nga ni Muriel na iyon ang kanyang nawawalang anak.

Kumilos agad ang staff ng Eat Bulaga para makuha ang binatilyong may problema sa pag-iisip at isasauli nila sa ina noon.

Isipin ninyo, isang taon nang mahigit na pagala-gala lang ang taong iyon dahil wala ito sa katinuan. At isipin ninyo ang layo ng Cavite sa Angeles City. Pero dahil sa lawak nga ng audience ng Eat Bulaga, mabilis na nakita at na-identify ang pagala-galang anak ni Muriel Morena.

Siguro halos wala nang pag-asa ang babaeng iyon na makita pang muli ang kanyang nawawalang anak.

Saan kaya iyon kumukuha ng kakainin niya? Nakarating ng Pampanga, siguro naglalakad lang.

Salamat na lang at may Eat Bulaga, magkikita na ang mag-ina.

Jennylyn, sukat na sukat ang social distancing

Nag-post si Jennylyn Mercado ng picture ng magagandang ruler, at ang sinabi niya sa kanyang social media account, “pagandahan na lang ng ruler ‘pag nagcommute.” Iyon ang naging comment niya sa tanong kung ano ang palagay niya sa desisyong gawin na lang .75 meters ang social distancing sa mga pampublikong sasakyan sa halip na isang metro.

Ipinatupad iyan ng gobyerno para mas marami ang makasakay sa mga public transport. Umaangal kasi ang mga pasahero na mahirap makasakay. Umaangal din ang nasa transport sector na lugi sila dahil kakaunti ang naisasakay.

Pero ang isang metro, sinasabi ngang iyon ang minimum requirement para hindi ka mahawa ng COVID. Kaya sabi nga ni Jennylyn, “pagandahan na lang ng ruler.”

Female star, napahamak sa tinitindang vitamins

Alam naman ninyo sa panahon ng pandemya, kanya-kanyang raket na lang para mabuhay. Nagbebenta ng vitamins ang isang female star online. Ok lang naman dahil talagang OTC naman ang vitamins, kaso may nagreklamo raw na ang ibinebenta niyang mga gamot ay fake. Ibig sabihin hindi totoong vitamins iyon.

Ang masama, kinukuha lang pala iyon ng female star sa isang tindahan sa Divisoria, fake nga ang nakuha niya at naibenta.

Ngayon takot na takot ang female star at inaareglo na raw ang nagreklamo.

Inaamin niyang siya man ay naloko rin ng kanyang supplier.

Iyan ang problema sa mga nagraraket nang hindi naman sigurado sa kanilang suppliers. Baka sa halip na kumita, makasuhan pa sila.

Bago rumaket, siguruhin muna ang suppliers kung matino.

EAT BULAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with