Jennylyn, nagpasalamat kahit ‘di nanalo
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 17, 2020 - 12:00am

Sa pamamagitan ng live streaming sa awards night ng 15th Seoul International Drama Awards last September 15, nagpaabot din ng pasasalamat ang lead actress ng Descendants of the Sun Ph na si Jennylyn Mercado at si direk Dominic Zapata, dahil sa panalo rin ng serye as The Most Popular Foreign Drama of the Year 2020.   Sayang nga raw na dahil sa pandemyang pinagdaraanan natin ngayon, hindi nila personal na natanggap ang award.

Samantala ang Asian Star Prize award na napanalunan this year ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ay pang-apat nang taon na nananalo ang GMA Network mula sa prestigious award giving body. 

Nauna si Gabby Concepcion in 2017, then si Dennis Trillo in 2018, sinundan ni Alden Richards in 2019 at this year 2020, si Dingdong. 

Congratulations!

Mark, iniintindi na lang ang dyowa

Kaawa-awa naman si Kapuso Bad Boy ng dance floor na si Mark Herras. 

Siya lamang naman ang pinaglilihian ng kanyang soon-to-be mom-fiancé na si Nicole Donesa. Si Nicole ay isa sa nurses ng medical team ni Jennylyn Mercado ng seryeng Descendants of the Sun. 

Inamin ni Nicole na hirap siya sa kanyang pagbubuntis, dahil matindi raw ang kanyang morning sickness at napaglilihian nga raw niya ang boyfriend kaya raw spoiled siya rito. At ang ayaw na ayaw pala ni Nicole, ang mawawala sa paningin niya si Mark.  “Mawala lamang ako nang kaunti sa tabi niya, magagalit na siya, aakyat lamang ako sa itaas, sa pinsan niya, nagagalit na siya,” sabi ni Mark.

“Inuunawa ko siya, dahil sa nararamdaman niya.”

Five months nang preggy si Nicole nang ipagtapat nila ni Mark ang blessing na dumating sa kanila, sa rami raw ng problema natin ngayon, nahihiya silang masabi na nagpapapansin sila. 

Dina at Snooky, buhay na naman ang tarayan

Balik na sa tarayan ang mga aktres na sina Ms. Dina Bonnevie at Ms. Snooky Serna ngayong ang sumunod namang naka-lock-in taping ay ang cast ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday sa GMA Network. 

Sa isang video ay ipinakita nila kung paano nila inu-observe ang health protocols sa taping.  Kasama nila sina Barbie Forteza, Jay Manalo at si director Mark dela Cruz. Kahit ang manager ni Dina, si Leo Dominguez, ay nag-post din ng behind-the-scene photos.

Marami nang naghihintay ng mga susunod na eksena kung magkakasundo na ang mag-beshie na sina Ginalyn (Barbie) at Caitlyn (Kate Valdez) na nasira dahil sa isang lalaki na pareho nilang minahal, si Cocoy (Migo Adecer).

JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with