Mga namimirata, kalat sa social media
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - September 17, 2020 - 12:00am

Nabawasan o kung hindi man ay nawala na ang sakit sa ulo ng film producers na namimirata ng kanilang pelikula. Isa ito sa problema nila noong wala pang pandemic.

Eh sa music industry naman, streaming na ang uso kaya goodbye na rin sa music pirates.

But take note, pinasok na ng mga pirate ang mundo ng vlogging lalo na kapag sikat na artista ang subject.

Umaaray ang ilang entertainment writers turned vloggers dahil ninanakaw ang kanilang Zoom interview sa mga artista ng ilang vloggers, kahit na nga may watermarks ang video nila.

Eh may pera rin sa vlogging lalo na kapag nasa YouTube ang vlogger, huh! Mas maraming views at subscribers kaya mas malaki ang datung! Take note, dollars pa ang bayad kapag na-monetize ang account.

Hindi lang barya-barya ang nakokolekta, huh!

Kaya ‘yung artistang sikat at masipag, kumikita kahit may pandemya. Keber nila kung walang TV show o movies, buhay na sila sa YouTube!

‘Yun nga lang, ingat din sa mga pirate dahil pinasok na rin nila ang ibang medium ngayon kaya mahina na ang kita ng pirata ng mga pelikula!

SOCIAL MEDIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with