^

Pang Movies

Pamilya ni Ogie, nagluluksa

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pamilya ni Ogie, nagluluksa

Nagluluksa ang pamilya Alcasid sa pagpanaw ng kanilang ama kahapon na si Mr. Herminio Alcasid Sr.  “I will miss you so much dear Dad. My heart grieves knowing you are gone but I am at peace because there is no more pain and no more suffering dear papa. Rest with Jesus. I love you so much,” ang malungkot na post ni Ogie Alcasid kahapon.

Dinagsa naman ng pakikiramay ang nasabing post ng singer/song writer sa kanyang social media accounts.

Isang lawyer ang daddy ni Ogie at nagkaroon noon ng position sa gob­yerno - during the time of former president Noynoy Aquino bilang board of director ng  Philippine National Oil Co. Development and Management Corporation.

Nakikiramay kami sa pamilya ni Ogie.

Bea at Dyowa, magbabakasyon sa isla?!aktres hindi pumayag sa lock-in

Mapapanood na rin ba sa ibang channel si Bea Alonzo?

Ito kaya ang rason kaya diumano’y nag-back out na si Bea sa teleserye nila ni Richard Gutierrez na Kahit Minsan Lang na nakatakda sanang ipalabas sa Kapamilya Channel ng ABS-CBN? 

Ayaw daw nitong mag-lock-in taping ayon sa isang source.

Nauna nang umayaw sa lock-in taping sina Nadine Lustre and Julia Montes na magbibida sana sa seryeng Burado. Tuluyan nang nabura ang pagbibidahan sana ng dalawang Kapamilya actress.

Anyway, true rin kaya ang chika na magbabakasyon si Bea at ang nababalitang boyfriend niyang si Dominique Roque sa isang expensive  island? 

Walang pag-amin officially kina Bea and Dominique kung sila na nga.

Anyway, sumunod na kaya siya kay Piolo Pascual sa TV5?

Nauna nang nag-deny si Bea na hindi siya lulundag ng TV5 though baka nag-iba ang isip ng Kapamilya actress. Fake news daw ang balita noong may offer siya sa TV5.

Bago nag-umpisa ang pandemic at hindi pinagkalooban ng franchise ang ABS-CBN, nakapag-umpisa na ng taping ang Kahit Minsan Lang at supposedly ay magre-resume sila next week. Wala pang formal announcement ang ABS-CBN tungkol dito.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with