Ted at DJ Chacha, madugo ang bagong programa
Ted at DJ Chacha, madugo ang bagong programa
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - September 16, 2020 - 12:00am

Nakatakdang magsimula ang tambalang Ted Failon at DJ Chacha sa Radyo5 sa dara­ting na October 5 matapos lumagda ng kontrata ang dalawa last September 11.

Medyo madugo ang bagong radio program ng dalawa dahil apat na oras ito araw-araw, Monday thru Friday na magsisimula ng 6 a.m. to 10 a.m. at kasama na rito ang 7 a.m. news.

Hindi talaga maiiwasan na makatapat nina Ted at DJ Chacha ang programa ni Kabayan Noli de Castro sa DZMM Teleradyo (6 a.m. to 8 a.m. including the 7 a.m. news program) habang ang 8 a.m. to 10 a.m. na dating programa ni Ted sa iniwanang istasyon ay slot naman ngayon ng On the Spot nina Tony Velasquez at Henry Omaga-Diaz.

Si DJ Chacha ay segment co-host ni Ted sa kanyang dating Failon Ngayon sa DZMM Teleradyo.

Bukod sa daily radio program sa Radyo5, si Ted ay magkakaroon pa umano ng isang public service TV program sa TV5.

Si Ted ay nagsilbi ng tatlong dekada sa ABS-CBN. Ang kanyang paglipat sa TV5 ay may kinalaman sa pagbasura ng Kongreso sa bagong prangkisa ng ABS-CBN noong nakaraang July 10, 2020.

Carol, buntis na uli!

Alam mo ba, Salve A., na itong taong 2020 ang may pinakamaraming celebrity babies ang isinilang at nakatakdang isilang bago magtapos ang kasalukuyang taon?

Ang taong 2020 ay sinimulan ng singer, actress, host at model na si Solenn Heussaff na nagsilang ng kanyang unang baby with husband na si Nico Bolzico na si Thylane Katana noong January 1, 2020.  After her ay naging sunud-sunod na ang mga celebrities na nagsilang ng kanilang respective babies.

Although sa January 2021 pa siya nakatakdang magsilang, two months pregnant ngayon ang US-based singer-actress at nurse na si Carol Banawa sa kanyang US Military husband na si Ryan Crisostomo. Ang kanyang ipinagbubuntis ngayon ay magi­ging pangatlong anak na nila ni Ryan. Ang kanilang panganay na si Chelsea ay 13 years old na habang ang kanilang pangalawa na si River ay eight years old. At 13 minana ni Chelsea ang magandang boses ng kanyang ina.

It was in 2003 when Carol decided to quit showbiz para mag-migrate sa Amerika, but she would visit the Philippines every once in a while.

Kahit may asawa na’t mga anak, nag-decide si Carol na mag-aral ng nursing sa Northern Virginia Community College in Washington, DC at nagtapos siyang summa cum laude in 2018 at kasunod na rito ang kanyang pagkuha ng licensure exam a few months later.  She is now working bilang isa sa mga frontliners sa US.

Si Carol ay isa sa mga miyembro ng Star Magic Batch 4 kung saan kasabayan niya sina Kristine Hermosa, Dimples Romana, Dominic Ochoa, Jericho Rosales, Nikki Valdez at iba pa.

She has recorded several singles and albums under Star Records at isa sa kanyang mga classic hits ay ang awiting Bakit `Di Totohanin. 

Ilan sa mga movies na ginawa niya noon ay ang Ang TV: The Move, Calvento Files, Nagbibinata, Hiling at Tanging Yaman habang ang mga TV series na kanyang kinabilangan include Ang TV, Kaybol: Ang Bagong TV, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Tabing Ilog at iba pa.

Carol was at the peak ng kanyang karera nang magdesisyon siyang mangibang bansa.

Tito, Vic and Joey, magkakasunod ang bagong apo

May mga bagong apo ang tatlong poste ng longest-running noontime show na Eat Bulaga na sina Sen. Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon. 

Ang kaisa-isang anak na lalake ni Tito Sen (Tito Sotto) na si Gian, vice mayor ng Quezon City at misis nitong si Joy Woolbright ay may bagong baby boy, their 6th child. 

Nanganak naman noong September 7 ang daughter ni Vic Sotto na si Paulina Sotto-Llanes sa first baby nila ng husband na si Jed Llanes.  Baby girl na pinangalanan nilang Sachi Brielle ang first born ng mag-asawang Paulina at Jed at pampitong apo ni ­Bossing (Vic Sotto).

Although may mga apo na si Joey de Leon sa kanyang two elder children (sa ex-wife niyang si Daria Ramirez) na sina Cheenee at Keempee de Leon, first apo naman niya si Jakob Ethan sa anak niyang si Jako (sa present wife niyang si Aileen Macapagal)  at wife nitong si Gill Salita-de Leon.

Coincidence na maituturing ang pagkakaroon ng magkakasunod na bagong apo nina Tito, Vic and Joey.

TED FAILON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with