^

Tom, nanibago sa pagbabalik-taping

(Pang-masa) - September 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tila raw bagong pasok ulit sa eskwelahan ang mu­ling pag-arte at pagbabalik-taping ni Tom Rodriguez para sa upcoming Kapuso show na I Can See You: High Rise Lovers.

Sa kanyang Instagram video, ibinahagi ni Tom na masaya siyang magbalik-trabaho kahit pa nanibagong mag-taping sa ilalim ng new normal.

Aniya, “Lunch break namin ngayon dito sa set ng ‘I Can See You: High Rise Lovers.’ Grabe sobrang enjoy. It feels great to be working. Kasama ko ‘yung cast ng crew. Iba pa rin talaga ‘yung pakiramdam na hindi lang sa Zoom ‘yung trabaho.”

Idinetalye rin ni Tom na maingat nilang sinusunod ang mga bagong patakaran sa pagte-taping, “Siyempre maraming bago. Konti lang ‘yung tao. Kailangan social distancing pa rin and siyempre ‘yung ibang mga eksena na usually magagawa mo na may physical touching, medyo dito iniiwasan na talaga.”

Inamin din ng aktor na nag-a-adjust pa siya sa muling pag-arte matapos mapahinga ng ilang buwan simula quarantine, “Siyempre, 12 hours lang ‘yung limit namin sa isang araw. So kailangan na magawa ‘yung bawat eksena. Medyo kanina naninibago lang. Parang bagong pasok ulit sa eskwelahan, may kaba. But I’m happy to be back.”

Makakasama ni Tom sina Lovi Poe at Winwyn Marquez sa High Rise Lovers na isa sa apat na series ng drama anthology na I Can See You  na mapapanood simula September 28 sa GMA Telebabad block.

TOM RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with