^

Pang Movies

Marian, ibinuko ang idol ni Zia

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian, ibinuko ang idol ni Zia
Marian

Aprubado ni Marian Rivera ang school na piniling pasukan ng anak na si Zia kapag puwede na ang face to face classes. “Gusto ko ‘yung school. Bawal ang showbiz! Ha! Ha! Ha!”  saad ni Yan sa nakaraang Zoom interview niya sa press.

First and foremost kasi kay Marian ang pag-aaral ng anak bago ang showbiz. Eh may sari­ling pera na rin si Zia sa mga TV commercial na nagawa na niya.

Pero napansin na rin ng ina ang pagbabago sa anak habang lumalaki.  Kung dati ay siya ang hinahangaan, ngayon ay nasa fan girl moment ang bata.

Kinahiligan ng bata ang kanta ni Sarah Geronimo na Tala. “Ang galing niyang magsayaw ng Tala. Eh isang kaibigan ang nagpakita kay Sarah ng video ni Zia na nagsasayaw ng Tala.

“Hiningan si Sarah ng video greeting para kay Zia at nang makita niya ito, kilig na kilig ang anak ko!” chika ni Yan.

Dahil sa pandemic, alam na ni Zia kung ano ang coronavirus at alam na niya ang health protocols na dapat gawin.

At kapag may offer para sa TVC, tinatanong muna ni Yan si Zia kung gusto niyang gawin bilang respeto kahit nasa murang edad pa ang anak.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with