^

Pang Movies

Neri naig, yumaman sa tuyo

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Neri naig, yumaman sa tuyo
Neri

Ang sosyal ng dating sexy star na si Neri Naig. Tinalo pa niya ang maraming celebrity na ngayon ay nai-stress na walang regular income dahil sa pandemya.

Ang misis ng bokalistang si Chito Miranda, nakabili pa ng bagong condo dahil sa pagbebenta ng mga tuyo, suka at marami pang iba, sa online. “Thank you, Lord! Isa na namang biyaya from You po.
“Dahil sa pagtitinda ng tuyo, suka, kape, beddings, sleepwear, at accessories online nakabili ng isang condo sa may tabing dagat. Sobrang proud ako sa sarili ko dahil pinaghirapan ko ang lahat ng mga nainvest ko. Nakakaiyak!,” umpisa ng post niya.
“Salamat sa lahat ng nagbigay ng birthday messages sa akin. Grabe kayo, nakakaiyak! Feeling ko ang bait-bait ko, haha! Pero seriously, salamat sa messages nyo pong lahat. Ang sarap sa pakiramdam na may tama pala akong ginagawa sa earth, hehe!
“Ang dami ko na palang “nabago” ang mga buhay sa pamamagitan ng pag inspire sa lahat na walang imposible sa mga taong may mga pangarap, ang mga masisipag, at may determinasyon. Lahat ay posible dahil may Diyos at Allah sa buhay at puso nating lahat. At kapag nakaraos sa hirap, ang blessings natin ay dapat i-share sa mga taong na­ging katulad natin noon na nahirapan pero bumabangon at lumalaban,” bahagi pa ng post niya.
“Thank you, Lord, sa lahat po ng blessings! Dati ay palagi po akong nagtatanong sa Inyo po kung bakit parang ang hirap naman ng buhay ko. ‘Yun pala ay hinahanda N’yo po ako sa kung ano at meron po ako ngayon. Maraming salamat po, Lord, at ‘di po Nyo ako sinukuan bagkus ay ginabayan Nyo po ako.

“Sa makakabasa nito, ikaw na ang susunod, wag ka lang susuko! Tulungan kita, magbenta tayo! Hahaha! Nagpromote pa ih! Seriously, kaya mo yan, ‘wag kang susuko. Tandaan, ang bida ay nabubugbog muna bago manalo, tingnan mo si FPJ, hehe! Bugbog na hindi literal ha? Ibig kong sabihin, syempre mauuna ang hirap at sakripisyo bago mo makita at matikman ang success. Kanya-kanyang time tayo, sa ngayon ako naman, it is my time to shine, hihi! Ikaw na ang next! Maniwala ka lang!”

Lately ay maraming sad stories dahil nga bukod sa coronavirus pandemic, nawalan ng franchise ang ABS-CBN kaya maraming nawalan ng trabaho. Eh ang iba may mga naiwang bayarin o kaya ay hindi nakaipon kaya naman, talagang maraming naghahanap ngayon ng puwedeng pagkakitaan.

Kung si Neri nga, literal na yumaman sa pagtitinda, so puwede rin ang ibang hindi pasosyal.

vuukle comment

NERI NAIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with