Heaven, pinagtanggol ni Ogie sa ayuda nina Manny at Jinkee
Heaven
Heaven, pinagtanggol ni Ogie sa ayuda nina Manny at Jinkee
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 14, 2020 - 12:00am

Hindi ko talaga akalain na ganoon ang reaction sa issue ni Heaven Peralejo. In fairness sa kanya, heto ang manager niyang si Ogie Diaz at nagpaliwanag na imposible na magkaroon ng problema financially si Heaven, dahil sa rami nang naisara niyang endorsement para sa alagang Kapamilya star.

Sabi pa nga ni Ogie na kahit pa siguro medyo magtagal ang pandemic, kahit paano merong naitabing pera si Heaven at hindi niya ma-imagine na hihingi ito ng tulong para sa pera.

Ewan ko naman kung bakit issue ang P100K na iyan, na kung iisipin mo nga naman siguro madali rin lang kitain ni Heaven sa trabaho.

Tulad nga ng sabi ni Ogie, katatapos pa lang gawin ni Heaven ang isang endorsement. ‘Yung lumabas din noon na nag-grocery sila ng anak ni Champ Manny Pacquiao na gamit ang credit card nito at saka ‘yung sinulat at IG post ko, hindi naman sinabi na nanghingi siya, pagkakasabi ko lang binigyan, kaya takang-taka ako bakit may kailangang pagtalunan.

‘Yung kusang bigay, hindi na issue iyon kung sakali, baka nga marami ring naiinggit kay Heaven kaya kaunting bagay nagiging malaki.

Sayang nga at nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ni Jimuel, kasi siguro kung sila pa rin, walang intriga ‘yung grocery at P100K dahil hindi bibigyan ng kulay.

Now, dahil nga marami ring walang magawa, lahat issue.

Well, Heaven, no worries. Basta tama ang ginagawa mo, gawin mo, buhay mo iyan, ikaw lang ang masusunod. P100K lang pala, gawin nating P1M para mas malaki, at ako na ang hihingi ng ayuda, hah hah.

Love you, Heaven and Mama Jinkee. 

Sharon kinabog ni Jinkee sa pagiging fan

Parehong avid Ji Chang Wook fan sina Sharon Cuneta at Jinkee Pacquiao.

Pero talo si Sharon kay Jinkee, dahil dalawang beses na niyang nakita si Ji Chang Wook with matching dinner, eh si Sharon hanggang screen pa lang.

Siyempre iba ang champ Manny Pacquiao na superhero ng mga Koreano, fan na fan ni Champ Manny si Ji Chang Wook kaya madali niyang na-invite for dinner bilang surprise kay Mama Jinkee.

Hay naku, siguro kung ka-dinner ko si Jo In-Sung, hihimatayin ako sa tuwa at hindi na ako kakain, look na lang ako sa face niya all night.

Pagdating dito ni Ji Chang Wook, naku sure na nasa front row sina Mama Jinkee at Sharon. 

HEAVEN PERALEJO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with