^

Pang Movies

Carlo, umaming daddy na

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Carlo, umaming daddy na

Ang daming ginulat ni Carlo Aquino kahapon lalo na nga ang kanyang fans sa kanyang pasabog sa Instagram. He’s now a dad sa new-born baby girl nila ng girlfriend na si Trina Candaza.

Ipinost ni Carlo ang larawan ng baby nila na si Enola Mithi Aquino.

Sa caption, he wrote, “you can thank your stars all you want but Ill always be the lucky one. Enola Mithi Aquino @trinacandaza.”

Dumagsa ang congratulatory messages sa aktor kabilang na ang kanyang mga kaibigan sa industriya tulad nina Vhong Navarro, Zanjoe Marudo, Ejay Falcon, Edgar Allan Guzman, Ara Mina, Jason Abalos, Sylvia Sanchez, Rocco Nacino, Rodjun Cruz, Mika dela Cruz, Nikki Valdez at marami pang iba.

Pero ang ibang fans ay napa-oh my God sa pagkabigla pero happy rin naman sila para sa aktor.

Game shows ng 5 maganda ang feedback

Masaya ang TV5 gayundin ang mga blocktimer producer sa nasabing network dahil dinadagsa ngayon ng sponsors ang ilan sa kanilang TV shows kabilang na ang back to back game shows na Fill in the Bank at Bawal na Game Show.

At dahil nga maganda ang feedback sa mga naturang shows at mas lalo pa nila itong pinasaya at pinahitik sa papremyo lalo pa nga’t malapit na ang Pasko.

Ngayong Lunes , tampok sa Fill in the Bank ang mga massage therapist na maglalaban-laban para sa P150,000.  House husbands naman ang bibida sa Set­yembere 16 kung saan uumpisahan na rin ang Christmas countdown. Susubok sila sa mga challenge ng Enter your Pin Code, Cheque or X, Coin Rush at Huli Cash. Sa Setyembre 18, makikipagkulitan sina Manedyer Jose Manalo at Madam Poky Pokwang kina Candy Pangilinan at Tuesday Vargas. Sila ay magtata­gisan ng galing at sasabak sa masayang hamon ng Ayuda Teh! Machine (ATM) at Panghakot na Papremyo Equipment (PPE). Maaari ring manalo ng P5,000 ang televiewers bilang Juan Partner.

Tuluy-tuloy na bumibida ang Bawal na Game Show kasama ang nakakaa­liw na Ghorl Twins na sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros. Tunghayan ang mga bagong pasaway na gagawin ang lahat upang malampasan ang Bawal Ma-Fall, Bawal ang Da Moves, Bawal ang Sablay, Bawal ang Sumuko at Bawal na Roleta para mapanalunan ang P100,000.

vuukle comment

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with