BB, kakasawa na ang mga emote
BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - September 14, 2020 - 12:00am

Magaling ang timing ni BB Gandanghari. Isinabay niya sa launching ng pinakabagong endorser ng Beautederm products na pag-aari ni Ms. Rhea Tan, na si Piolo Pascual, ang mga emote niya.

Imagine, kahit nasa Amerika na si BB, nasabayan niya ang pag-iingay ni Piolo kaya naka-free publicity siya para sa kanyang vlog.

Mabuti na lang, hindi na sinasagot ni Piolo ang ganitong uri ng gimik sa kanya.

Stop na, tama na kasi BB. Enough is enough. Kakasawa na. Ok na yung mga sinasabi mo.

Kapamilya, hindi mapigilan

Kahit wala na sa ere ang ABS-CBN maingay pa rin ang mga programa nila sa internet.

Iba talaga ang naturang giant network, hindi mo basta malilipol kahit pinagtulung-tulungang burahin ng 70 kongresista.

Mahirap burahin ang ABS-CBN lalo na ngayong darating na eleksyon, tiyak na muli itong mabubuhay dahil kailangan ng mga tatakbong kandidato ang malalakas na network.

Don’t worry, tiyak babalik uli ang ABS-CBN.

Nakakalat ngayon ang mga Kapamilya talent sa iba’t ibang channel at social media platform.

Kailangan ng dasal…

Humihingi po ng dasal ang pamilya ng dating movie booker at manager ng Victoria Theater sa Baliuag na si Renato Amang de Guzman at adviser ng grupong Escolta Boys dahil sa mabigat na karamdaman.

Sana, tulung-tulong tayong manalangin kasama ng grupong Escolta Boys na sina Leo Lazaro, Jeric Vasquez, Gerry Roman, Ariel Araullo, Jess Bernardo, Ringgo Alvero, Bernard Malonzo, Arlan Ysrael at Nap Alip and yours truly.

BB GANDANGHARI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with