Derek at Andrea, nagsasama na?!
Derek at Andrea
Derek at Andrea, nagsasama na?!
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - September 14, 2020 - 12:00am

Nagli-live in na nga ba sina Derek Ramsay at Andrea Torres?         

Ito ang suspetsa ng marami ngayong nakalipat na si Derek sa kanyang ipinagawang three-storey house in Alabang, Muntinlupa kung saan din kasama ng actor ang kanyang parents at teenage son na si Austin sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly.

Magmula nang pasukin ni Derek ang showbiz ay na-link ang actor sa limang showbiz personalities tulad nina Solenn Heussaff, Anne Curtis, Angelica Panganiban, Cristine Reyes at ngayon si Andrea Torres.  Naging kasintahan din niya ang modelong si Joanne Villablanca at Alexa Amos.

Nagsimula naman ang kanilang relasyon ni Andrea nang kanilang gawin ang teleseryeng The Better Woman na tumagal lamang sa ere ng halos tatlong buwan (July 1, 2019 – September 27, 2019).  Since then ay halos inseparable na ang dalawa maging sa kanilang mga biyahe sa ibang bansa.

Although mahigit isang taon  pa lamang ang relasyon nina Derek at Andrea, mukhang seryoso ang actor sa relasyon nila ng Kapuso actress na kasundo hindi lamang ng kanyang kaisa-isang anak na si Austin kundi ma­ging ng parents mismo ni Derek na sina Derek Arthur Ramsay, Sr. at Remedios Ramsay.

Sa mga nakarelasyon dati ni Derek, sina Angelica at Joanne ang pinakamatagal na umabot ng mahigit tig-limang taon.

Janella matagal na ang relasyon kay Markus

Alam mo, Salve A., nagtataka kami kung bakit ngayon lamang tila nag-open sa kanilang relasyon sina Janella Salvador at ang Fil-British singer-actor na si Markus Paterson samantalang noong isang taon pa sila magkasintahan.

Kung matatandaan pa, it was last year nang parehong ipakilala ni Janella si Markus sa kanyang parents na sina Jenine Desiderio at Juan Miguel Salvador sa magkahiwalay na okasyon. 

There was also a time na nanood ang magka­sintahan sa gig ng ama ni Janella na si Juan Miguel. May pagkakataon ding isinama ni Markus si Janella sa birthday ng Filipina mother ng singer-actor sa Pangasinan in September last year. Ang dalawa ay magkasama ring nag-travel sa Japan, isang indikasyon na may relasyon na sila as early as last year.

Nang ginagawa pa ni Janella ang The Killer Bride noong isang taon kung saan niya kapareha si Joshua Garcia ay nakaramdam umano ng selos si Markus sa katambal ng nobya. Hindi naman siguro magseselos si Markus kung wala silang relasyon ni Janella.

Si Markus ay ang second showbiz boyfriend ni Janella pagkatapos ni Elmo Magalona. Ang kanilang relasyon ay nagtapos noong 2018 na may kahalong kontrobersiya.

ANDREA TORRES DEREK RAMSAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with