^

Pang Movies

Marian umayaw sa lock-in taping, paranoid sa coronavirus!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Marian umayaw sa lock-in taping, paranoid sa coronavirus!
Marian

Hindi matutuloy ang teleseryeng First Yaya dahil sa pandemya.

Bida sana sina Marian Rivera and Gabby Concepcion na naumpisahan na ang taping bago ang nangyayaring health crisis sa buong mundo.

Mismong ang reyna na ng GMA 7 ang nagkumpirma na hindi niya kaya ang lock-in taping lalo na nga at may dalawang anak na mga bata sila ni Dingdong Dantes.

Nauna na naming nasulat ang tungkol dito at kahapon lang nga nagkaroon ng confirmation.

Takot siyang makapag-uwi ng virus lalo na nga at kahapon ay halos 5,000 ang new cases at pinaka-malaki ang bilang ng number of deaths in one day na 186.

“Gustung-gusto kong gawin ang First Yaya. Nakakasa na ako diyan. Buong puso at isip ko, nakahanda akong gawin ‘yan, nagkataon na may pandemya tayong hinaharap ngayon kaya ang sabi ko talaga, siguro hindi pa ito ‘yung tamang oras,” ang pahayag ni Marian sa comeback teleserye sana niya after manganak kay Ziggy.

“Kasi mahirap para sa akin ang naka-lock in, hindi ko makikita ang mga anak ko na nagpapa-dede pa ako kay Sixto, inaasikaso ko pa si Zia sa online class nila tapos hindi ako uuwi ng bahay. Sinabi ko paano ito, hindi ko kakayanin.

“What if sabi ng GMA compromise, seven days taping, three days uwi, eh paano ‘yung three days na ‘yun na safe ba akong uuwi ng bahay. May quarantine pa after ng taping. Ayoko naman after taping, dumiretso agad ako sa bahay para makita ang mga anak ko. Hindi safe.

“So dun na ako sa safety muna ng pamilya ko. In all fairness naman sa GMA naintindihan naman nila ako kung saan ako nanggagaling. At laking pasasalamat ko sa GMA na sa tuwing mga ganitong nangyayari sa buhay ko, nabubuntis ako, hindi ko puwedeng gawin, bukas sa loob nila na tanggapin ang desisyon ko at sinusuportahan nila ako,” ang buong paliwanag niya tungkol sa naging decision.

Aminado si Marian na paranoid siya sa covid-19 lalo na nga at lumalaki si Ziggy sa loob ng bahay.

Kaya naman dalawang beses pa lang siyang lumabas mula nag-umpisa ang quarantine last March para sa kanyang TVC na ang assistant lang niya ang puwedeng lumapit.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with