^

Pang Movies

Alden, willing sanang magpahiram ng kalahating milyon

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alden, willing sanang magpahiram ng kalahating milyon
Alden

Minsan pa ay humanga ang mga netizen sa kabaitan ni Alden Richards nang hindi siya magdalawang-isip na pautangin si Valeen Montenegro ng P500,000.00 without knowing na prank ito.

Sa YouTube vlog ni Valeen ay mapapanood ang pangpa-prank niya kay Alden. Tinawagan niya ang aktor sa telepono at sumagot naman agad ito.

Nagpasakalye muna si Valeen ng papuri kay Alden sa mga achievement nito lately at sa mga blessing na natatanggap nito hanggang sa dumako na nga sa kanyang misyong pangungutang.

“Kasi di ba, from the start of the year, eh medyo nagkaroon ako ng problems like with my dad and everything, all the hospitalization. Eh hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako nakakabayad. Sobrang ayan, wala tayong work ngayon, so nahihirapan din ako with everything like rent, ‘yung mga bills and I think you know where I’m getting at,” ani Valeen.

Nakikinig naman si Alden at umaayon sa kanya, senyales na naiintindihan siya ng aktor.

Hanggang sa sinabi na nga ni Valeen kung okay ba na mangutang ng pera. Noong una ay P1M ang sinabi niya pero binawi niya ito agad at half a million na lang daw. “Sobrang desperate times lang talaga, kasi my condo is 80,000 a month tapos siyempre, nag-iisip na rin ako ng pwedeng paglipatan,” sey pa ni Valeen.

Sagot naman ni Alden, “don’t worry tutulungan kita diyan.”

Bongga, di ba naman? Siyempre later ay ini-reveal na ni Valeen na prank lang ito at natawa na lang si Alden pero hahanga ka talaga sa aktor dahil aniya, ang sakit daw sa puso nang malaman niyang prank dahil kinundisyon na niya agad ang isip niya that very moment na tutulungan niya ang kaibigan na mabayaran ang condo.

Sa huli ay sinabi ni Valeen na kaya naman daw sobrang blessed ni Alden dahil nga napakabait nito at totoong kaibigan.

Mavy at Cassy nagtalo

Ibinunyag ng Legaspi twins na sina Mavy at Cassy ang mga bagay na hindi nila pinagkakasunduan sa isang livestream video kasama ang kanilang mommy na si Carmina Villarroel.

Hindi naman daw madalas magtalo ang dalawa pero minsan ay may mga desisyon sila na hindi nagugustuhan ng isa. 

Paliwanag ni Mavy, “Siguro ‘yung type of fighting namin ni Cassy is kung upset kami sa decisions ng twin.”

Kuwento naman ni Cassy, “We don’t really fight. Walang fights or whatever. This only happens when Mavy wants to protect or defend me or something. I don’t know how to explain it.”

Samantala, patuloy na napapanood ang dalawa kasama sina Carmina at Zoren sa fresh episodes ng Sarap ‘Di Ba? tuwing Sabado sa GMA.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with