^

Pang Movies

Alden, bibida sa docu

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Si Alden Richards ang mukha ng bagong documentary program ng GMA News and Public Affairs na Lockdown : Food Diaries.

Ipinakilala si Alden last Friday, September 11, kaya tapos na ang pagiging curious ng publiko at netizens.

Sa totoo lang, swak na swak para sa Asia’s Multimedia Star ang dokyu dahil bukod sa pagiging artista eh may negosyo siyang kainan.

Gaya ng ibang mga resto business, naapektuhan din ito ng pandemya. Kaya sa programa, tatalakayin kung paano naapektuhan ang food industry dahil sa COVID-19.

Walang dudang mabentang-mabenta talaga si Alden ngayon kumpara sa ibang artista. Siya ang pambuwenanong handog sa pilot episode ng weekly drama na I Can See You: Love On The Balcony na magsisimula sa September 21. Sa September 27 naman ang telecast ng Lockdown: Food Diaries.

Brand ambassador din siya ng Department of Health kaugnay ng COVID at ng international organization na USAID tungkol naman sa advocacy nitong End Tuberculosis.

Kailan lang, isang kilalang powder detergent ang kumuha kay Alden bilang endorser.

Naku, kainggit-inggit talaga si Alden sa dami ng nagtitiwala habang nganga naman ‘yung ibang mas nauna pa sa kanya sa showbiz, huh!

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with