Heaven, kinuyog sa paghingi ng P100k na ayuda kay Sen. Manny Pacquiao
Heaven
Heaven, kinuyog sa paghingi ng P100k na ayuda kay Sen. Manny Pacquiao
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - September 13, 2020 - 12:00am

Sinugod ng netizens ang Instagram ni Heaven Peralejo para tanungin kung totoong humingi siya ng pera kay Sen. Manny Pacquiao.

Kung totoo, kawawa naman si Heaven, nahihirapan na nga financially dahil walang trabaho, kung anu-ano pa ang itinawag sa kanya ng netizens.

 Hindi raw nahiya si Heaven kay Sen. Manny at kay Jinkee Pacquiao na rin na inutusan ni Manny na magpadala ng P100,000 kay Heaven.

Tanong ng netizens, ano raw kaya ang reaction ni Jimwell Pacquaio na sa kanyang ama nagpatulong ang kanyang ex-GF?

Liza kontrobersyal pa rin sa isyu ng internet

May natisod kaming balita tungkol sa pagra-rant ni Liza Soberano sa kanyang interner provider na Converge. Ang sabi, wala dito ang problema, kundi sa DECO mesh router na personal na binili ni Liza. Heto pa, pumunta ang service crew ng Converge sa bahay nina Liza para ayusin kung anuman ang problema sa internet niya. Dumating din daw ang service crew ng PLDT para magkabit ng 300MBPS speed.

Kaya, dalawa na ang internet provider  ni Liza na afford naman niyang bayaran dahil aabot lang ng more or less 13,000. Ito ay kung parehong 6,000 + ang babayaran niya sa Converge at PLDT for her internet.

Ang sabi ng netizen na nag-post ng tunay na nangyari sa internet ni Liza, hindi binawi ng aktres na hindi sa Converge ang problema kundi sa Deco mesh router niya. Sana raw, nag-tweet din si Liza tungkol dito.

May nagdagdag pa ng post na naka-saad sa job report na kinu-connect ni Liza sa kanyang mesh na hindi naka-connect sa ginagamit niyang working router.

 Maganda rin naman ang resulta nang pagra-rant ni Liza dahil dalawa na ngayon ang internet provider niya at hindi siya naghintay ng matagal para maka­bitan ng PLDT.

Dawn ayaw talagang magpakulay ng buhok

Pinupuri ng netizens si Dawn Zulueta dahil sa mga pino-post na photos sa kanyang Instagram na kitang-kita ang kanyang white hair. Hindi raw conscious ang aktres na masabihan o ma-bully na matanda na siya dahil nga kita na ang mapuputi niyang buhok.

Ang hashtag pa nga ni Dawn sa photos na kita ang white hair niya ay #silverhairdontcare at #DawnsUbanLegend.”

  Sa nag-comment ng nakakapanibagong makakita ng celebrity “breaking the notorious standard on beauty,” ang sagot dito ni Dawn, “hear ya. Don’t let their obsession with beauty command your personal preferences. Let us all enjoy the many colorful stages of life.”

 Sa nagtanong kung nagpa-dye ng kanyang buhok si Dawn, ang sagot ng aktres, “my silvers are the real deal” at “silvers are for everyone to enjoy wearing.”

Unang tingin nga sa buhok ni Dawn, hindi white hair, kundi silver, kaya kakaiba. Saka, tama ang ibang reaction na kung kasing ganda naman ni Dawn ang may white hair, payag na silang magka-uban dahil totoo namang ang ganda-ganda pa rin ng aktres.

Kaya sa nag-suggest kay Dawn na magpakulay siya ng buhok, “Ayoko eh” ang sagot nito at lalo siyang hinangaan. Saka, kung ibabase sa comments, mas marami ang may gusto na makita si Dawn with her silver grey hair lalo na kung proud naman ang aktres sa kulay nito.

Boobay at Tekla, hirap magpatawa sa new normal

Si Mark Bautista ang sasalang sa hot seat ng The Boobay and Tekla Show sa fresh episode na mapapanood this Sunday.

Sa isang interview, nabanggit nina Boobay at Tekla na nanibago sila sa taping ng fresh episode ng kanilang show dahil wala silang audience. Ang hirap sa mga gaya nilang komedyante na mag-perform ng walang audience, pero dahil parehong magaling, naitawid nila ang taping na ikinatuwa ni direk Rico Gutierrez. “Suwerte kami ni Boobay na makabalik at mabigyan ng chance na makapagpasaya ulit ng tao. Sobra kaming thankful dahil alam nating mahirap ang buhay ngayon. Gaga­lingan namin para kahit papaano ay maibsan ang nararamdaman ng viewers sa panahon ng pandemya,” sabi ni Tekla.

HEAVEN PERALEJO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with