BB, walang planong tantanan si Piolo
BB
BB, walang planong tantanan si Piolo
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 13, 2020 - 12:00am

Iginigiit ni BB Gandanghari na hindi niya ina-out si Piolo Pascual. Iyon daw kanyang ginawa ay pag-amin lamang sa mga naging karanasan ni Rustom Padilla.

Kapansin-pansin naman na nitong mga nakaraang araw, talagang sunud-sunod na inilalabas ni BB ang mga nangyari sa buhay ni Rustom. Dahil nga roon lumabas ang sama niya ng loob sa kanyang pamilya, lalo na kay Robin, iyong naging pagsasama rin nila ng dating asawang si Carmina Villarroel, at marami pang ibang may kinalaman sa naging buhay ni Rustom.

Pero halata mong napikon siya sa mga nagsasabing inilalantad niya si Piolo at hindi niya dapat ginawa iyon sa isang taong nananahimik na.

Sinabihan niyang ipokrita si AiAi delas Alas, at ipinaalala sa komedyante na  naging kaibigan si Rustom, kahit na noong panahong hindi pa siya sikat  at wala pang pera.

Binanatan din niya ang iba pang mga bumanat din sa kanya, at ipinaalala pa sa isa ang atraso noon na may utang pa raw kay Rustom hanggang ngayon na hindi na binayaran.

Sinabi rin niyang hindi siya titigil, at patuloy niyang ilalabas ang buhay ni Rustom, at sinasabi nga niyang may karapatan siyang gawin iyon.

Ibig sabihin, possible pa ring may matamaang ibang mga tao sa kanyang mga susunod na revelations.

Pero sinasabi naman niya na wala siyang intensiyon na bukuhin ang iba, pero baka nga may tamaan at handa naman daw siyang panindigan kung ano man ang kanyang mga sinasabi.

Binanatan din niya iyong nagsabing sana huwag na lang niyang banggitin ang pangalan, at sinabi niyang hindi siya kagaya noong iba na ang sinasabi ay puro blind item, na pinanghuhula pa ang makakarinig sa kanila. 

Pagdududang bakla kay Darren, walang ebidensiya

May isa pang sa totoo lang talagang nakakailang na ring pakinggan, iyong bintang nila na ang singer na si Darren Espanto ay gay.

Ilang beses nang sinabi ni Darren, hindi siya gay. Napagkamalan lang siya dahil noong araw na sumali siya at nanalo sa isang singing contest sa telebisyon, may mga nakakanta siyang mga kantang pambabae, at mataas ang kanyang boses.

Natural naman iyon sa mga bata, talagang naaabot nila ang matataas na nota.

Sa musika, kung tawagin iyan ay “tiples” ibig sabihin naaabot ng isang batang lalaki ang range ng soprano. Oras na sila ay lumaki na, nagbabago iyon at ang kanilang mga boses ay nagiging tenor o bass.

Nakakainis na ha, lagi na lang pinag-uusapan iyan, wala naman silang napatunayan na bading si Darren.

Kapamilya, magiging full time na sa digital

Tama ang sinasabi ng mga ekspertong broadcast engineers, talagang tuluyan na ngang inilibing ang pag-asa ng ABS-CBN nang bawiin na ang kanilang frequencies, at sa rami ng aplikante para sa mga bago o dagdag na frequency, hindi na nila mababalikan iyon two years from now.

Ang pag-asa nila ay kung matutuloy nga ang paglipat ng broadcast sa full digital, kung saan may magagamit na mas maraming frequencies at baka makakuha sila ulit ng magagamit nila kung magkakaroon sila ng bagong franchise.

Ibig sabihin, sa susunod na dalawang taon, mananatili na lamang ang ABS-CBN sa internet o kaya bilang isang content producer para sa ibang mga network.

BB GANDANGHARI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with