^

Pang Movies

KathNiel teleserye kasado na Kapamilya, walang planong manahimik!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
KathNiel teleserye kasado na Kapamilya, walang planong manahimik!

Sa kanyang sariling YouTube vlog, sinagot ni direk Laurenti Dyogi, ABS-CBN’s head of TV Entertainment Production ang malaking tanong ng lahat na “lilipat na ba ang Kapamilya stars sa ibang network?”

Simula ni direk, “alam n’yo ho, kahit may pandemya at wala kaming franchise for free TV, hindi naman po kami tumigil sa paggawa ng mga programa. Mula noong ECQ (enhanced community quarantine), we were doing fresh episodes on Zoom para sa Magandang Buhay, sa It’s Showtime at sa ASAP.

“Nakagawa rin ho kami ng isang konsepto, ang Pantawid ng Pag-ibig, a fund-raising para makatulong sa ating mga kababayan.”

Inamin din niyang napaka-minimal ng kinikita ngayon ng ABS-CBN since wala nga silang free TV.

“Ang kita po namin kung ikukumpara sa isang kilohan, eh halos isang guhit na lang,” ani Direk Lauren.

Pero sa kabila nito ay tinutupad pa rin nila ang kanilang “commitment to serve” sa ating kababayan lalo ngayong panahon ng pandemya. “Pero po ang mas importantent balita, eh karamihan po sa amin, kami po at ang aming mga artista at mga tao at manggagawa ay pumayag po na magbawas ng sweldo at talent fees para lang po matuloy ang paggawa namin ng programa para sa ikabubuti ng karamihan,” pagbabahagi ng executive.

At sa katanungang kung lilipat ba ang mga artista ng ABS-CBN sa ibang network, ayon kay direk Lauren ay may ilan na raw artistang nagpaalam sa kanila bago pa man nagkaroon ng pandemya. “Hindi naman po ito bago, sa mga nakaraang panahon, nangyari na po ito at pinayagan naman po namin sila. Ayaw namin pong mapagkaitan sila ng hanapbuhay o kabuhayan.

“Kaya po sa mga darating na panahon, maaari pong makita n’yo ang ilan sa aming mga Kapamilya stars or artists na nagiging guests o nagiging bahagi ng mga programa sa ibang network.

“Sa aming nakaraang pag-usap sa ilan naming contract stars, nabalitaan namin or nalaman namin na kahit hindi pa naman po kami nagbawas ng programa o kahit hindi pa kami nawalan ng prangkisa, marami na pong ibang managers o ibang talent agency ang lumapit po sa aming artista para tanungin kung interesado silang lumipat o maging bahagi ng ibang network.

“Alam n’yo po, nakakatuwang marinig po ‘yun, it is flattering, it is a compliment to us kasi dito po namin napapatunayan na ang aming mga Kapamilya stars, eh de kalibre talaga at in-demand kaya po hinahabol sila ng ibang agencies or managements. Maging ang Star Music and Star Events ay patuloy pa rin daw and in fact, may inihahanda silang digital concert for Daniel Padilla, ang Apollo which is happening on Oct. 11.     (SUNDAN SA PAHINA 6)

“Pero ang mas maganda pong balita na natanggap namin, marami rin po kaming nakausap na artista ang nagsasabi na they will still stay loyal and they will stick it out with Kapamilya network hanggang ito po ay makabangon, tutulong po sila sa pagtaguyod, sa pagbangon ng bagong ABS-CBN,” pahayag ni direk Lauren.

Kaya naman dahil sa mga loyal stars na ito ay nananatiling buhay na buhay ang ABS-CBN at patuloy na gumagawa ng mga bagong programa.

Inilatag din ni direk Lauren ang mga ongoing and upcoming shows ng ABS-CBN. Patuloy pa ring mapapanood ang ASAP, Magandang Buhay, It’s Showtime at syempre, ang longest-running teleserye na FPJ’S Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Kamakailan lang ay nag-launch sila ng bagong teleserye, ang Sa Iyo ay Akin na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado and Sam Milby.

Para sa mga upcoming shows, abangan daw ang bagong teleserye nina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, gayundin ang bagong serye ni Julia Barretto na Cara Y Cruz.

Malapit na rin daw mapanood ang Walang Hanggang Paalam na pagbibidahan naman nina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, Arci Muñoz and Paulo Avelino.

May mga bago rin daw pelikulang mapapanood mula sa ABS-CBN Films and Star Cinema tulad ng Four Sisters Before the Wedding, ang Metro Manila Film Festival entry nila starring Vice Ganda, mayroon ding Angelica-Coco movie titled For the Love of Money at isang horror film ni Kim Chiu.

May sariling show din ngayon si Angel Locsin, ang Iba ‘Yan, ganundin si Judy Ann Santos, ang Paano Kita Mapasasalamatan na parehong public service shows.

Of course, without a doubt, ang mga artistang nabanggit ang mga nagdesisyong manatili sa ABS-CBN at tutulong hanggang sa muling makabangon ang network.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with