Dingdong, tapos na sa pagiging ‘Boss’
Sinaluduhan ni Dingdong Dantes si Jennylyn Mercado dahil sa kanyang excellent at effective performance bilang leading lady niya sa Descendants of the Sun.
Nagtapos na ang taping ng Kapuso series last September 10. Tapos na rin ang buong season ng adaptation ng Korean drama.
May post na picture sa kanyang Instagram si Dong kung saan meron silang script reading para sa kanilang final scene.
Bahagi ng caption ng GMA Primetime King, “A snappy salute to @mercadojenny for such an excellent and effective performance! Maraming salamat. “Pass your papers” na kami @gmanetwork.”
Sa isa pa post, ipapahinga na ni Dingdong ang kanyang combat boots na gamit niya ng halos isang taon bilang Captain Lucas o kilala bilang Big Boss. “Now, it is time to loosen these laces to make a way for the next journey. Mission accomplished!”
Ang asawang si Marian Rivera, mga anak na sina Zia at Ziggy at ang organisasyon na Aktor PH at ang delivery business niya ang haharapin ng Boss ng Dantes family at iba pang responsibilidad.
Wala pang telecast date ang Descendants of the Sun.
- Latest