Maine, halos isang milyon na sa Parang Kailan...
Maine
Maine, halos isang milyon na sa Parang Kailan...
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 11, 2020 - 12:00am

Congratulations to the phenomenal star Maine Mendoza. Ang kanyang first single sa Universal Records PH na Parang Kailan Lang ay umabot na sa mahigit 900,000, papunta na sa 1 million streams sa @Spotify_PH.

Nagpasalamat ang record company ni Maine sa lahat ng mga nag-stream at nakinig ng music video ng Parang Kailan Lang kaya naman ang request ng fans ay sundan na raw sana ito ng panibagong single pa ni Maine.

Yasmien, hindi malapitan ang asawa’t anak

Matagal nang walang work si Kapuso actress Yasmien Kurdi kaya natuwa siya nang mapabilang siya sa cast ng I Can See You: The Promise, isa sa mini-series na handog ng GMA Drama. 

Three days ang lock-in taping nila in Lake Caliraya, Laguna kaya tatlong araw niyang hindi nakapiling ang kanyang mag-ama, ang husband niyang si Rey Soldevilla at ang anak nilang si Ayesha Zara, na may inihanda namang sorpresa sa kanya sa pag-uwi niya ng bahay.

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Yasmien ang maikling video kasama ang caption na “Grabe naman may pa-surprise pa sila Pangga at Ayesha Zara sa akin pagbalik ko sa bahay from my lock-in taping...may pa-bouquet pa!  Para naman akong balikbayan lol! Sobrang sweet naman...nilinis pa talaga nila yung room at inayos kung saan ako mag-self-quarantine for a few days...”

Dagdag pa ni Yasmien, bawal pa rin daw ang physical contact, “Pasensiya na sa inyo, bawal muna kiss, hug at kwentuhan...kaya lumalayo rin ako (kwentuhan na lang tayo sa video call kahit nasa kabilang kwarto lang ako). Konting tiis lang para sure talaga na safe.  Salamat talaga! Mahal ko kayo.”

Sa September 21 na magsisimulang mapanood ang weekly episode ng I Can See You sa GMA Telebabad.

DOTS nairaos na ang lock-in

Thankful ang buong cast at production staff ng Descendants of the Sun PH dahil natapos smoothly ang 10-day lock-in taping nila ng adaptation ng K-Drama, dahil maliban sa isang gabing nagkaroon ng thunderstorm habang nagti-taping sila, nakisama naman ang magandang weather kaya nakatapos sila on time. 

Ang last taping day nila kahapon ay ang mga eksena na lamang ni Big Boss Dingdong Dantes at ni Wolf Rocco Nacino kaya masayang-masaya na ang cast na lumabas ng location.

Paghahandaan na ngayon ng production ang recap ng DOTS Ph at kasunod na nito ay ang mga fresh episodes ng serye hanggang sa pagtatapos nito.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with