BB, hinihiritang mamigay na lang ng ayuda
BB
BB, hinihiritang mamigay na lang ng ayuda
BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - September 11, 2020 - 12:00am

Sa nangyayaring kalungkutan at problema sa hanapbuhay, parang naging katawa-tawa pa ang inuugali ni BB Gandanghari, na naghahamon pang aminin ng ilang nakarelasyon niya noong panahon ng kopong-kopong pa ang naganap sa kanila.

Teka, BB, sino naman sa palagay mo ang aamin na bading sila sa mga lalaking nagkaroon ng relasyon sa ‘yo lalo na’t may image ang mga ito na pinoprotektahan?

Mabuti si BB at aminado na siyang may berdeng kulay ng dugo.

Saka please, nasa Amerika ka na, unfair naman sa mga inaaway mo sa iyong kabaklaang paglalakbay dahil wala ka rito.

Utang na loob, tama na, manahimik ka na, instead magbigay ka na lang ng ayuda sa mga naghihirap mong kapatid dati sa hanapbuhay.

Ang tanong, sabi ng iba, saan kukuha ng pang-ayuda si BB, gayung mukhang badly in need of money din ito.

Kapuso, nagbawas din ng mga tauhan

Malungkot ang balita na maging ang GMA ay nagtanggal ng staff na ikinabigla ng marami dahil wala itong naging abiso.

Maraming negosyo ang isa-isang bumibigay ngayon dahil sa pandemya.

Coco at Richard, hinahanapan ng bakbakan

Hinahanapan ng fans ng bakbakan sina Coco Martin at Richard Gutierrez sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Matagal ng usap-usapan ang confrontation nina Coco at Richard, ang problema nga lang ay saan mapapanood ito gayung walang ABS-CBN sa free TV.

May Kapamilya Channel nga pero nasa cable naman.

Hay sayang naman. Bakit kasi itong mga kongresistang ito, hindi binigyan ng franchise ang ABS-CBN, ayan  tuloy hirap silang manood ng mga palabas sa TV ngayon.

BB GANDANGHARI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with