^

Pang Movies

Suwerte, madatung ang dyowa Sue, gustong gawing ‘reyna’ ni Javi

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Suwerte, madatung ang dyowa Sue, gustong gawing �reyna� ni Javi

Suwerte ng Kapamilya star na si Sue Ramirez.

Gusto siyang gawing reyna ng dyowa niyang si Javi Benitez, anak ni ex congressman Albee Benitez na ngayon ay major blocktimer ng TV5.

Sa latest post ni Javi, dinala niya ang girlfriend sa Negros Occidental, sa pag-aaring theme park ng pamilya nila, ang Magikland.

“I wanna treat you like a queen,” ang caption ng Kapamilya actor din.

Sagot naman ni Sue : “Thank you for everyday, langga! I love you so much.”

Nakapag-travel na rin sila abroad pero hindi agad umamin si Sue noon.

Bongga siya. Puwede naman talaga siyang maging ‘reyna.’

Carla limang oras nagpalinis ng bahay

Mahalaga sa panahon ngayon ng pandemya na panatili­hing malinis hindi lang ang ating mga sarili kung hindi pati na rin ang ating kapaligiran. Ibinida ni Love of my Life star Carla Abellana sa kanyang recent YouTube vlog ang naging proseso sa deep cleaning service na ginawa sa kanyang tahanan.

Aniya, “There’s a pandemic going on and we have to make sure that everything is clean, in good shape, and disinfected para we are all safe at home. You can source your own home cleaning company or cleaners. They do a good job and I believe it’s a really good investment especially during this time.”

Isang happy and satisfied customer naman ang Kapuso actress matapos ang halos limang oras na pagdi-disinfect at paglilinis ng kanyang bahay. Samantala, wala pang anunsyo kung kalian magbabalik-taping ang pinagbibidahang serye ni Carla na Love of my Life kasama sina Rhian Ramos at Mikael Daez.

vuukle comment

SUE RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with