^
Alex, excited maging yaya
Alex

Alex, excited maging yaya

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - September 9, 2020 - 12:00am

Happy and excited si Alessandra de Rossi na baby girl ang ipinagbubuntis ng kanyang ate Assunta (De Rossi).

Mga a month before December daw isisilang ni Assunta ang bata, na panganay nila ni Jules Ledesma, haciendero at dating Congressman ng Negros Occidental.

As is common knowledge, nag-volunteer si Alessandra na mag-yaya sa pamangkin.

Dahil sa existing pandemic, Alessandra chose na huwag munang gumawa ng project, either a movie or a TV show.

Glydel, biglang nami-miss ang umarte

Balik-acting si Glydel Mercado, who was seen sa programang Wish Ko Lang, hosted by Vicky Morales, last Saturday.

For a while, after her marriage to Tonton Gutierrez, Glydel concentrated on being a mom to her and Tonton’s kids bagama’t napapanood pa rin naman siya sa mga teleserye.

She didn’t realize daw how much she missed acting, until she faced the TV cameras again.

Sa totoo lang, maganda at sexy pa rin si Glydel.

Sunshine, wala munang balak pakasal

Sunshine Cruz describes her life today as blissful. She has been legally separated from her husband, Cesar Montano, for four years now.

Although obvious na maganda ang relasyon nila ng kanyang current karelasyon na si Macky Mathay, isang businessman, obvious na wala muna silang balak pakasal.

All of her three daughters with Cesar are now grown up at pawang nag-aaral, courtesy daw niya. “Gusto kong magtapos sila ng pag-aaral, sabi ko sa kanila,” ani Sunshine.

In fairness kay Cesar, bago ito mag-artista, tinapos muna niya ang kanyang Engineering course.

Last week na ang kanyang trending series na Love Thy Woman, co-starring Sunshine with Kim Chiu, Yam Concepcion, Xian Lim, Eula Valdez, Zsa Zsa Padilla, Ruffa Gutierrez and Christopher de Leon.

Playboy actor na nanigurong virgin ang misis na young actress, sa hiwalayan din bumagsak

Sure raw ang isang kilalang playboy actor na virgin ang young actress na kanyang pakakasalan, kaya pinili niya ito among a string of women na naging girlfriend niya, na naging misis niya.

But obviously, Salve A., virginity of a woman is not an assurance that she will be a good wife.

Well, hiwalay na silang mag-asawa.

ALESSANDRA DE ROSSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with