^

Pang Movies

MMFF 2020, mukhang hindi kikita

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Maingay na maingay ang mga kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) tuwing papalapit na ang December, subalit ngayon ay wala man lang balita kung may nagsu-shooting na bang kasaling pelikula?

Paano nga naman mangyayari ‘yun eh may pandemya.

Saka kung meron man, paano panonoorin? Kailangan naka-face mask at naka-face shield ang mano­nood?

Ano ‘yun parang robot?

Hindi naman sa pagiging nega, pero parang malabong kumita ang MMFF 2020.

Mga rebelasyon ni BB hindi na pinag-iinteresan

Kasama ang showbiz sa nakararanas at apektado ng kahirapan ng buhay dala ng ‘pandemonic’ na COVID, na kasalukuyan pa ring sumasalakay.

Hindi kaya alam ni BB Gandanghari ang nararamdaman ng mga kapatid niya at buong giting na nagkukuwento pa siya ng kabaklaan niya?

Sabi ng iba, kung maligaya siya sa buhay niya ngayon, manahimik na lang at huwag nang mag-ingay ng ikasisira ng ibang tao.

Besides, hindi na interested sa kabaklaan ang mga tao, mas gusto nilang makatanggap ng ayuda o tulong pinansyal.

Direk FM at Rita, tambak ang alagang aso at pusa

Inspired at dedicated si direk FM Reyes sa teleseryeng tinututukan sa Kapamilya Channel, Ang Sa Iyo Ay Akin, sa mga empleyadong nawalan ng trabaho sa ABS-CBN.

Lubhang napapa­nahon ang istorya kung kaya naman tutok ang mga tagahanga and besides, pulos magagaling ang mga artistang nasa cast na sina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria at Sam Milby, kung saan tampok din si Maricel Soriano.

Si direk FM ang husband ng aktres na si Rita Avila.

Sa isang pakikipag­kuwentuhan namin sa mag-asawa, napansin nga pala naming parehong pet lover ang dalawa at  may 15 cats and dogs silang alaga sa bahay.

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with