^

Pang Movies

Napuno na... Lotlot nilantad ang totoong nangyari sa kanila ni Nora

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Napuno na... Lotlot nilantad ang totoong nangyari sa kanila ni Nora

Kilala namin bilang tahimik na aktres si Lotlot de Leon at bihira siyang sumagot sa mga intriga at akusasyong ibinabato sa kanya lalo na nga pagdating sa relasyon nila ng inang si Superstar Nora Aunor.

Pero tila hindi na nakapagpigil si Balot sa isang basher na minura siya ng PI at tinawag siyang ingrata’t walang utang na loob.

Sinagot niya ito sa kanyang Facebook account last Friday and once and for all ay ipinahayag niya ang kanyang panig at saloobin tungkol sa isyung matagal nang ibinabato sa kanya.

“This has been going on for years now. Tonight it was something new. May mura na kasama. Ang nakakalungkot lang dito ay mismong sa fan page pa ng mommy ko lahat ng ito. Sa totoo lang para akong natulala, parang pinagkakaisahan ako,” ang bungad ni Balot sa kanyang mahabang post sa Facebook.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ikinuwento ng aktres ang pangbu-bully at deskriminasyon na naranasan habang lumalaki siya.

“I don’t know how or when this started. All my life kahit nung bata pa ako natatawag na akong “ampon” or “ampon ni Nora.”

“My parents never made me feel otherwise. But the others, yes.”

“May pagkakataon pa nga na si Ian (de Leon, ang nag-iisang biological son ni ate Guy sa dating asawang si Christopher de Leon) pwede kumain ng delata nung bata kame na nasa cabinet. Yung nag­aalaga kay Ian sabe Sa kanya lang ‘yun. Kahit hindi ko naiintindihan I would just nod and say, “yes po”.

“Kahit sa school may mga nang bully. Kadalasan i would just walk away. May isang pagkakataon din sumagot ako,” lahad ni Balot.

Bilang isang anak at panganay na kapatid, ayon kay Lotlot ay ginawa niya at gagawin ang lahat para sa pamilya.

“Lahat ng mga kapatid ko, mahal na mahal ko. Wala akong hindi gagawin para sa kanila. Walang makakatumbas sa pinagsamahan namin. Kung alam nyo lang. Sa hirap at ginhawa I will always try to be there for them, and sila ganun din para sa akin.

“Did we have an easy life. No. Kase kahit naman sikat at kilala at kinikilala sa buong mundo mga magulang namin hindi naman nag bago buhay namin. Natural lang. Simple pa rin.

“Ang relationship ko kay mommy, Iba. We have never been the “typical” kind of family.

“I have tried my best all these years to be a good daughter. Wala akong hindi sinubukan gawin. Alam ng dios yan.

“Minsan gusto ko ipaliwanag sa lahat kung ano nga ba kame... pero hindi ko din mapaliwanag. Ang alam ko lang mahal ko sya. At siguro kahit nga ipaliwanag ko hindi pa rin maiintindihan,” aniya.

Ayon pa sa aktres, noon pa raw ay tinatawag na siyang ingrata, walang utang na loob at kung anu-ano pang akusasyon.

“I don’t know when or how “people” started calling me ungrateful, ingrata walang utang na loob. Hindi ko alam paano or kelan lahat nang ito nag simula. Pagod na pagod na din ako depensahan sarili ko. 

“Ang daming accusations sa akin na para bang alam nila kung ano ang TOTOO. Walang kang respeto Ingrata Mahalin mo mommy mo Walang utang na loob Magpakumbaba ka Bait-baitan ka lang Ito ang mga sinusumbat sa akin.

“Nung bata ako, pag sinusuway ako ni mommy kakausapin nya ako. ‘Pag May mga “sumbong” sa kanya. Ang lagi ko lang sagot “yes po ma.” I never answered her back or ni mangatwiran ginawa ko,” patuloy ni Balot.

Ipinaliwanag din ng aktres na parati siyang nagri-reach out sa kanyang ina.

“Nung nagkaanak na ako I would always reach out. Walang panahon na hindi ko siya iniisip kahit hindi kame magkasama. Text or tawag. Or puntahan sya ginawa ko,” pahayag pa ng aktres.

First time ring in-address ng aktres ang tungkol sa kasal niya with Lebanese businessman, Fadi El Soury noong 2018 na hindi nga sinipot ni Guy.

“I wanted her to be at my wedding, I asked her. How can I not? I wanted her to be “present”. Sa lahat ng occasion sa buhay ko pati na din sa mga anak ko. Wala di sya sa kasal ni Ian, pero bakit hindi kwinenestion yun nang sinuman?”

 Naroroon din daw siya at mga kapatid niya sa lahat ng pagkakataong kailangan sila ng kanilang ina.

“Nung nawala kapatid nya, si Uncle Buboy... we were there. Nung nasa ICU sya sabay sabay kaming magkakapatid nagpunta. Lahat kame. Dinalaw namin sya ulit ni Ian before he passed.

“We will always try to be there for one another. Kaming magkakapatid. We will always be there for mom too. Anytime na kailangan nya kame. Basta kaya namin we will be there. I will be there. Walang panahon na hindi ko sya susuyuin. Lalo na kung alam ko na May tampo sya.”

Sa huli ay ipinahayag ng aktres na hindi siya nakakalimot kaylanman.

“Never naging perpekto buhay namin. May masaya, malungkot, magulo lahat na. Pero ang Lahat ng ito ay personal. Hindi na din para isa-Isahin ko pa. Pero isa lang cgurado, alam ko kahit kailan di ako makakalimot. Alam ko May hanganan din ang lahat…” pagtatapos ni Balot.

vuukle comment

LOTLOT DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with