Thai version ng My Love From Another Star magla-landing sa GMA
(Pang-masa) - September 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Simula na sa Lunes (Setyembre 7) na pag-ibig ang maghahari sa pinakabagong handog ng GMA Heart of Asia na My Love From Another Star ng Thailand.

Base sa orihinal na kuwento ng hit Korean drama na My Love From The Star,  muling sundan ang kwento ng nakatutuwang karakter ng isang alien na si Justin, na gagampanan ng aktor na si Nadech Kugimiya. Mapapadpad siya sa daigdig para mag-research ngunit maiiwan siya rito sa loob ng 300 taon matapos niyang tulu­ngan ang isang babaeng nangangailangan.

Tatlong buwan bago ang kanyang pinakahihintay na pagbabalik sa kanyang planeta, makikilala niya ang artistang si Stephanie, na gagampanan ni Matt Peeranee Kongthai, at matutuklasan niya ang kanilang koneksyon sa isa’t isa.

Pipiliin pa rin kaya ni Justin na bumalik sa kanyang planeta o mananatili na lang siya sa daigdig kasama si Stephanie na matututunan na niyang mahalin?

Abangan ang My Love From Another Star ngayong Lunes, Setyembre 7, 10:45 p.m., sa GMA Telebabad!

GMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with