^

Pang Movies

Fans ni Coco, nahihirapan manood sa internet

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Halatang tumamlay ang teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Dati ay inaabangan talaga ng tele­viewers ang naturang serye ng Kapamilya pero paanong hindi tatamlay, hindi pa rin alam ng ibang mga manonood kung saan ito pano­noorin.

Ang laking perwisyo talaga ang dulot ng ginawa ng Kongreso na hindi pagbibigay ng franchise sa ABS-CBN.

BB Gandanghari, papansin

Ano ba naman itong si BB Gandanghari, isinabit-sabit pa ang pangalan ni Piolo Pascual sa mga kabaklaang naganap sa abroad. Hindi nga binanggit si Piolo pero tukoy na tukoy naman ang parinig sa kuwentong kabaklaan.

May mga komentong ginamit lang daw si Piolo para makakolekta siya sa YT.

Sana huwag naman ganoon dahil nananahimik si Piolo at wala namang ginagawang masama.

Saka pandemya na. Tigilan na ‘yan.

Azenith, abala sa pagiging plantita  

Ika-tatlong taon nang nagsosolong mag-celebrate ng birthday si Azenith Briones, magbuhat nang namayapa ang kanyang husband na si El Rey Reyes.

Ngayon ay simpleng salu-salo na lamang sa kanyang farm resort sa San Pablo City kasama ang pamilya ang nagaganap sa kanyang kaarawan.

Ang kuwento noong una ni Azenith, napakahirap daw palang mag-isa dahil very close sila ng asawang namayapa pero later on ay unti-unting naka-move on ang aktres na nagbabalik sanang mag-comeback sa showbiz pero biglang pumasok ang ‘pandemonic.’

Ngayon nalilibang si Azenith sa plantita online business niya ng  orchids na galing sa farm niya.

Happy naman daw siya sa resulta dahil maraming umo-order sa kanya.

Kanya-kanyang negosyo online...

Si Melissa Mendez naman ay ang pagbebenta ng pastries and cakes ang negosyo online.

Magsarap magluto si Meli na natutuhan niya sa kanyang mother dear.

Ang katotong Obette Serrano naman ay mayroong Chef Oragon online business na ang especialty ay mga pagkaing Bicol. Isa siyang chef bago niya pasukin ang pagsusulat sa showbiz noon.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with