^

Pang Movies

Komedyanang si Gladys Guevarra natangayan ng mga naipon!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Komedyanang si Gladys Guevarra natangayan ng mga naipon!
Gladys Guevarra

Ang saklap naman ng naging kapalaran ng komedyanang si Gladys Guevarra.

Tinakbuhan pala siya ng dating dyowa tangay ang mga naipon niyang datung sa showbiz at sa negosyo.

Ayun sa report ng GMA7.com, sinabi ni Gladys na : “Grabe ‘tong ginawa mo sa akin, Leon, grabe,” habang lumuluha.

Naumpisa diumano ang hiwalayan ng dalawa sa pagtatalo lang.

The Rock, nag-positive

Maging si Dwayne ‘The Rock’ Johnson at ang buo niyang pamilya ay tested positive sa coronavirus - misis na si Lauren Hashian, 35, at ang dalawa niyang anak na sina Tiana, 2, and Jasmine, 4.

“My No. 1 priority is to always protect my family and my loved ones… I wish it was only me that tested positive. It was my entire family and it was a kick in the gut. We in a family are good, we’re on the other end of it and no longer contagious. Thank God, we’re healthy.”

Dagdag pa niya : “I can tell you that this has been one of the most challenging and difficult things we have ever had to endure as a family. And for me personally, too, as well, and I’ve gone through some doozies in the past,” pag-amin ng actor/director/retired wrestler sa pinagdaanan ng kanyang pamilya.

ABS-CBN at GMA, sinubukang atakihin ang websites

Hindi lang pala ang websites ng ABS-CBN ang nagkaproblema kahapon.

Maging ang websites ng GMA 7 ay maraming nag-akalang na-hack din.

Naglabas ng statement ang Kapamilya pero walang official statement ang Kapuso network.

Ang message na lumalabas sa websites nila : “Attackers might be trying to steal your information from www.gmanetwork.com(for example, passwords, messages, or credit cards).”

So may sumubok kayang atakihin ang kani-kanilang websites?

Actress panay ang pasilip

Parang gusto na talagang mag-asawa ng isang actress na madalas magpa-sexy sa social media.

Comment ng kanyang followers, wala na raw ba siyang ibang puwedeng gawin kundi ipasilip ang boobs at singit?

Avatar, bumabaha sa social media

Avatar ang latest craze ngayon sa social media.

As in umaapaw ang bagong profile ng netizens ng avatar.

Eh dahil maraming time ngayon ang mga tao sa social media, kaya talagang lahat ride sa uso.

vuukle comment

GLADYS GUEVARRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with