^

Pang Movies

Sapul sa pandemic barber shop ng KathNiel, nagtanggal ng mga tauhan!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sapul sa pandemic barber shop ng KathNiel, nagtanggal ng mga tauhan!
KathNiel

Because of the COVID-19 pandemic, aminado si Daniel Padilla na naapektuhan ang barber shop business nila ni Kathryn Bernardo, ang Barbero Blues na last year lang nila binuksan.

Ayon kay DJ sa vlog ng Star Magic sa YouTube, hindi na rin naiwasan na nagtanggal sila ng tauhan sa nasabing barber shop na may dalawang branches (SM North Edsa and SM Fairview).

“Talagang sapul yung Barbero Blues, eh. Pero siyempre, hindi naman tayo puwedeng huminto roon. Siyempre may mga na-lay off yata, which is, hello, tayo sa ABS-CBN mismo alam natin ‘yan, di ba, dahil hindi kayang suportahan, eh.

“Ang hirap, hindi mo rin alam kung saan ka kukuha financially. Pero siyempre, hindi natin nakakalimutan pa ring tumulong kahit papano,” pahayag ni Daniel.

Inamin din ng aktor na wala talagang taong pumapasok sa barber shop.

“Wala talagang tao, hindi mo naman sila mapipilit,” aniya.

Ngayon daw ay nag-iisip sila kung ano pa ang pwede nilang gawin sa Barbero Blues.

“Ngayon, nag-iisip kami ng next steps kung ano ang puwede naming gawin for Barbero Blues, kasi gusto ko siyang itayo as a brand. So that’s the plan.

“Ngayon, ‘andon kami, tinitingnan naming ‘yung part na ‘yun, kami ni Kathryn, and kami nina Tita Min (Bernardo, nanay ni Kath), lahat, siyempre, kami ng team.

“Hindi ako eksperto sa business pero, siyempre, you have to evolve sa business mo,” he said. Pero nangako naman si DJ na pagkatapos ng pandemic ay babalik ang shop nang mas malakas.

Ken, nagpasalamat sa pag-aalaga ni Rita

Natapos nang gawin nina Ken Chan at Rita Daniela ang first movie nila together na My First and Always under Heaven’s Best Entertainment.

Sa kanyang Instagram page ay ikinuwento ng aktor ang karanasan while shoo-ting the film amid the pandemic kasabay na rin ang pasasalamat  sa oportunidad na ibinigay sa kanila ng ka-loveteam.

Nagpasalamat din ang aktor sa mga co-actor at sa mga staff and crew, gayundin sa kanyang GMA network family. At syempre, hindi naman niya nakalimutang pasalamat ang ka-loveteam.

At sa aking Choy@missritadaniela, isa lang masasabi ko, napakahusay mong aktres! Salamat din sa pagaalaga mo sa akin ah...mahal kita alam mo yan!

“Excited na kaming lahat na mapanood ninyo itong pelikulang aming pinaghirapan ang...MY FIRST AND ALWAYS,” pagtatapos ng Kapuso actor.

vuukle comment

COVID-19

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with