BB, nilantad ang affair ni Rustom sa isang sikat na aktor
BB
BB, nilantad ang affair ni Rustom sa isang sikat na aktor
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 3, 2020 - 12:00am

Sa totoo lang, hindi kami mahilig na manood ng video blogs. Minsan ang hahaba pa, kung anu-ano lang naman ang sinasabi. Minsan naman ang daming sinasabi pero kung iisipin mo pagkatapos ay wala namang laman.

Pero kamakalawa, may kaibigan kaming nagsabing dapat daw mapanood namin ang isang blog ni BB Gandanghari at baka magulat kami. Eh ano naman ang bagong sasabihin niyang si BB, na transgender na siya, na kinilala na ng korte sa US na siya ay babae, na masama ang loob niya sa kanyang pamilya? Eh ano pa ba ang ibang masasabi niya.

“Nagkuwento siya tungkol sa isang ‘affair’ ni Rustom Padilla,” sabi sa amin. Pinanood namin ang mahigit na isang oras na video na iyon.

Ikinuwento ni BB kung papaanong nagsimula ang affair ni Rustom sa isang actor. Nakakagulat kasi hindi mo iisipin na talaga nga palang nangyari iyon. Pero maganda naman ang pagkakakuwento ni BB, hindi pang indie. Ibig sabihin hindi naman tungkol sa sex agad, kahit na doon din nauwi. Para siyang nagkukuwento ng isang tender love story ni Rustom sa isang actor. Nagsimula siya kung “papaano sila nagkakilala nang husto” at nauwi sa kanilang “first passionate kiss.” Nangyari raw lahat iyan sa San Francisco.

Sa totoo lang, narinig na namin ang kuwentong iyan noon pa, iba nga lang dahil ngayon si BB ang nagkukuwento mismo tungkol kay Rustom.

Sa kuwento, hindi binanggit ni BB na si Rustom at ang actor ay nakipag-affair din sa isang mas batang actor na ngayon ay hiwalay na rin sa asawa. Aywan kung aabot doon ang kuwento ni BB. Aywan kung ang kuwento niya ay aabot sa isang love affair na nagsimula naman sa Singapore.

Pero nakakagulat na rin. Marami talagang lumalabas na multo dahil sa pandemya.

Sunshine, natatakot magamit ng scammer

Walang nakakaalam kung ano ang motibo at na-hack pa ang social media accounts ni Sunshine Cruz. Walang dahilan eh, maliban na lang kung iyon ay isang babaeng mukhang losyang na inggit na inggit dahil hanggang ngayon napakaganda pa rin ni Sunshine.

Pero ang ikinakaba nga ni Sunshine, baka gamitin ang kanyang account sa scam, kaya sinasabihan na niya ang mga kaibigan niya at kakilala na kung ime-message sila ng hacker na iyon, huwag silang maniniwala.

Talamak pa naman ngayon ang mga scammer sa internet. Minsan mauutakan kayo, pati pera ninyo sa bangko mananakaw pa nila.

Kantar Media, apektado sa pagkakasara ng ABS-CBN

Naglabas ng announcement ang Kantar Media, na isasara na nila ang kanilang media research division sa Pilipinas. Apektado ang mahigit na 50 empleyado nila. Maliwanag ang dahilang sinabi, nagsara na kasi ang ABS-CBN na siya nilang pinakamalaking kliyente at pinagmumulan ng 90 percent ng kabuuang kita ng media research division nila.

Ang ABS-CBN ang kliyente talaga ng Kantar Media Services, ang ibang networks kagaya ng GMA, TV 5 at iba pa, ang ginagamit ay ang AGB Nielsen.

Palagay namin, kung nabaliktad ang sitwasyon at ang GMA 7 o ang TV 5 ang nagsara, hindi magsasara ang Nielsen.

BB GANDANGHARI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with