^

Pang Movies

Joshua, nami-miss ang relasyon kay Julia

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Joshua, nami-miss ang relasyon kay Julia
Joshua at Julia

Ang daming kinilig na JoshLia fans sa sinabi ni Joshua Garcia sa kanyang recent online interview with Bianca Gonzales for Cinema News at Home.

Tinanong kasi ni Bianca kung ano ang pinaka-namiss ng aktor kay Julia Barretto at sagot nito, yung presence mismo ng dating girlfriend.

“Ang na-miss ko talaga kay Julia is ‘yung presence niya. Siyempre, iba rin naman ang feeling ka pagka may karelasyon ka, ‘yung mga dyowa ka, ang sarap kaya nu’n,” pag-amin ni Joshua.

“Feeling ko, in general ‘yun na talaga, yung presence niya niya, ‘yung feeling na may kasama ‘ko sa lahat ng ginagawa ko, ‘yung parang team,” dagdag pa ng aktor.

Medyo matagal-tagal na ring break sina Julia at Joshua at matatandaang ang paghihiwalay nila ang isa sa most controversial break-ups sa showbiz dahil sa rami ng issues at taong na-involve.

Pero ang maganda naman kina Joshua and Julia, madali silang nakapag-move on at hindi naging problema sa kanila na magkatrabaho ulit sila together kahit wala na sila. In fact, gumawa nga sila ng digital series na Love Unlock just recently.

Sa nasabing panayam pa rin ay sinabi ng aktor na hindi raw niya ine-expect na magkakatrabaho sila agad ni Julia pagkatapos ng mga nangyari.

“Hindi ko ine-expect na agad-agad na magkaka-work agad kami. Parang syempre, maliit lang ang industriya, sabi ko, magkakatrabaho at magkakatrabaho kami pero hindi pa ngayon.

“Feeling ko, baka bigyan pa kami ng project, baka next year pa or next, next year pa. Pero hindi ko ine-expect na ngayon din agad.

“Pero sa akin, wala namang kaso. Kasi okay naman ako kay Julia, wala naman kaming problema,” he said.

Barbie, enjoy sa TikTok

Mukhang unti-unti na ring nahu-hook si Barbie Forteza sa TikTok! Parami nang parami na rin ang regular na nag-aabang sa bawat video niya rito.

Kamakailan nga ay napa-wow ang online viewers sa kanyang videos tampok ang mga sikat na dance craze na Ice Cream ng BLACKPINK at ni Selena Gomez pati ang single nina YG, 2 Chainz, Big Sean at Nicki Minaj na Big Bank.

Amazed hindi lang ang kanyang fans kundi pati ang kapwa Kapuso artists na sina Ai Ai Delas Alas, Gladys Guevarra, Shaira Diaz at Ashley Rivera sa paggiling ni Barbie! Inuulan ng positive comments ang Instagram niya kada post ng aktres ng mga sayaw niya.

Samantala, dapat ding abangan ng fans ang pagbabalik-taping ng pinagbibidahan niyang primetime series na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday sa GMA Telebabad.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with