^

Pang Movies

Kim at Xian, inuurot na pakasal na

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Kilig-overload ang comment ni Xian Lim sa Instagram post ng girlfriend na si Kim Chiu.

Nag-upload kasi si Kim ng selfie niya na nasa kama at kagigising pa lang.

“Last weekend before “BER” month starts. .Good morning lovely people! happy weekend!” ang caption ni Kim.

Sa comments section ay makikita ang comment ni Xian na “ganda naman. Nakaka-inlab.”

Sumagot naman si Kim ng “winking face with tongue” at “grinning face with sweat” emojis.

Umani rin ng katakot-takot na “likes” mula sa fans ang comment ni Xian at ang daming kinilig. Pinuri nila ang pagiging sweet boyfriend ng aktor at may mga nagkomento pa ng “pakasal na kayo!”

Ang dami ring um-agree na ang ganda naman talaga ni Kim kahit bagong gising which is true naman.

Asawa ni Pokwang sobra ang ginawang adjustments

Nakakatuwa ang kuwento ni Pokwang tungkol sa American partner na si Lee O’Brien dahil talaga raw ito ang nag-adjust sa kanya kaya hindi naging hadlang sa kanila ang language barrier.

Of course, marunong namang mag-Ingles si Pokwang pero aminado siyang nahirapan pa rin siya lalo na nga kapag nag-aaway daw sila.

“Kasi, kahit ano pong gawin kong ano, Ingles talaga, tina-try ko naman talaga, kaya lang, pagka ‘yung away namin ano na, ‘yung kailangan na ng malalalim na Ingles, nagba-buffering ako,” pag-amin niyang natatawa.

“Lumalabas na lang ako, kasi hindi ko po ma-express nang tama, baka mamaya, mauwi sa hindi maganda, so, ako na lang ang lalayo.

“And then, mamaya nang kaunti, siya na lang ang lalapit na ‘babe, kakain na’, in Tagalog, ha? ‘Kakain na tayo.’ So, alam mo ‘yung siya talaga ‘yung ano, sobrang bilib talaga ako sa kanya, and that’s love,” sey pa ni Pokie.

In all fairness daw talaga kay Lee, ito raw talaga ang nag-adjust sa kanya nang bonggang bongga.

“Ultimo gay lingo, pinag-aralan niya,” kwento pa ng komedyana.

Samantala, masaya ang komedyana na may dalawa siyang bagong shows sa TV5, ang morning show na Chika BESH! (Basta Everyday Super Happy) with Ria Atayde and Pauleen Luna-Sotto at ang game show na Fill in the Bank.

Pancho, laging nakadikit sa anak

Nakahanda nang sumabak sa taping ang Kapuso actor na si Pancho Magno para sa weekly series na I Can See You: Love on the Balcony.

Makakasama niya rito sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at versatile Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith.

Sa panayam ng 24 Oras, naikuwento ni Pancho na doble ang paghahanda ng aktor sa kanyang pagbabalik-trabaho sa ilalim ng new normal. “Nandu’n ‘yung hindi mo alam kung anong mangyayari. Nakakatakot but nag-swab tes­ting kami and I do take my vitamins everyday rin naman. Nag-e-exercise, siyempre, kailangan maging healthy, lalo na ngayon may baby na sobrang healthy.”

Samantala, aminado si Pancho na very hands-on sila ng asawang si Max Collins sa pag-aalaga kay Baby Skye Anakin. Nakatutok si Max sa pagbe-breastfeed kay Skye habang si Pancho naman nag-aasikaso sa mga pangangailangan ng kanilang baby boy. “Lagi siyang nakadikit. Sobrang Mama’s boy, e. Pero kapag ako nagpapaligo, nagpapalit ng diaper, tina-try ko kung ano man ‘yung magagawa ko, except sa breastmilk,” dagdag pa niya.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with