_pang-masa
^

Pang Movies

John, nagsisinungaling!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Alam mo, Salve A., I never thought na ang ginawa naming pagtulong sa maysakit na aktor na si John Regala ay mababaliktad ang lahat at kami pa ang lalabas na masama. 

Katakut-takot na pamba-bash at pang-aalipusta ang natatanggap namin nina Nadia Montenegro at Chuckie Dreyfus na ang ultimate goal lamang namin (including Film Development Council of the Philippines chairperson Liza Diño at Rep. Ronnie Ong) ay makatulong. 

Never ko rin naging ugali na sagutin ang namba-bash sa amin lalo pa’t hindi naman namin sila kilala at wala silang alam sa totoo at puno’t dulo ng mga pangyayari. 

Let them be, ang katuwiran namin.  Pero nang mapanood ko ang naging statement ni John mismo sa programa ni G. Raffy Tulfo (na ang una niyang interview ay sa akin pa dumaan), ay hindi ko na puwedeng ipagsawalang bahala na lalo pa’t pinagmukha niya kaming sinungaling at may insinuation na pinagkainteresan pa namin ang perang nilikom namin para sa kanya. 

Nasa gitna ang lahat ng pandemya at hindi ganoon kadali ang movement ng bawat isa sa amin pero hindi ito nakapigil sa aming intention na siya’y matulungan.

Sinabi niya kay G. Tulfo na hindi raw niya alam na kami ay bumuo ng fundraising campaign for him na isang malaking kasinungalingan dahil personal namin siyang dinalaw at sinadya sa admin office ng Central condo kung saan siya nakatira. Nagkita kami roon ni Nadia at inabutan na namin doon si Liza Diño. 

Dumating din doon ang kaibigang doctor ni Nadia na si Dra. Mel Poch na tumulong din kay John kasunod si MJ Felipe ng TV Patrol.  We had a long talk with John and personally told him na magsisimula kami ng fundraising for him at sumang-ayon siya.

In our previous posts sa aming personal FB account and sometimes sa column ko ay nababanggit at pinasasalamatan ko ang mga kilalang personalidad at mga taong hindi namin kilala na nagpahatid-tulong para kay John. 

May nag-donate din ng wheelchair na nasa kanya na.

Kung iisa-isahin ko ang mga ginawa namin para kay John ay kulang ang espasyong ito.  We don’t want to brag about kung anong tulong ang ginawa namin para sa kanya despite all the restrictions dahil sa sitwasyon. But this time, I have divulged some to be fair naman to us na siyang naghirap, kinapalan ang mukha para `mamalimos’ sa iba’t ibang tao para lamang matulungan siya nang walang hinihinging kapalit in return.  Is this the prize we deserve na kahit simpleng pasasalamat lamang na aming hinihintay ay hindi namin nakuha?

(May karugtong na kuwento bukas)

JOHN REGALA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with