^
Nagkaroon din ng depression Alessandra de Rossi umaming nasaid na ang pera sa ATM!
Alessandra at Empoy

Nagkaroon din ng depression Alessandra de Rossi umaming nasaid na ang pera sa ATM!

YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - August 26, 2020 - 12:00am

Si Alessandra de Rossi sa Usapang Real Life (URL) Zoom app interview sa kanya ni Luchi Cruz-Valdes na ipapalabas sa TV5 sa Saturday, 9:00 p.m.

Kuwento sa akin ng executive producer ng show, si Margie Natividad, ikinuwento raw ni Alex (tawag sa aktres) na na-depress ito pagkatapos maging blockbuster ng pelikulang Kita Kita.

Hindi raw kasi sanay si Alex na nasa kanya ang atensyon ng mga tao.

May revelation din daw si Alex na dahil sa CO­VID-19 pandemic at wala muna siyang tinatanggap na trabaho, halos said na ang laman ATM ng aktres.

Sinabi raw mismo ni Alex na P18K na lang ang laman ng ATM nito, pero nabawasan pa ng P5K dahil may tinulungan itong kaibigan na nagkasakit ang tatay.

Gustuhin man daw ni Alex na mas malaki ang itulong sa kaibigan ay hindi naman nito kaya dahil halos wala na ngang laman ang ATM nito.

“Pero kahit na walang projects ngayong panahon ng pandemya, iyong faith niya ang nagbigay ng lakas ng loob sa kanya to still help people who are in need kasi pinagdaanan na niya ‘yon at alam niya ang pakiramdam ng isang taong nangangailangan.

“Sinabi rin ni Alessandra kay Ma’am Luchi na hindi siya pinababayaan ni Lord sa kanyang finances!” kuwento pa ng EP ng show ni Luchi.

Maganda ring panoorin ang show ni Luchi dahil ipapalabas doon ang last interview ng yumaong comedian na si Kim Idol.

Bago raw naospital si Kim ay nainterbyu ito ni Luchi via Zoom app.

Tinanong ko nga ang EP ng URL kung ano ang revelations naman ni Kim nang mainterbyu ito ni Luchi?

“Nabanggit ni Kim Idol ‘yung tungkol sa sakit niya at kung paano niya na-convince ang nanay niya na payagan siyang maging frontliner.

“Just in case raw kasi na mamatay siya because of COVID-19 ay may insurance siya na one million pesos,” kuwento pa ni Margie.

In fairness sa show ni Luchi sa TV5, maganda ang feedback dito simula pa lang sa episode one nila.

Nanay ni Sarah, barbero na rin

Marunong palang manggupit ang nanay ni Sarah Lahbati-Gu­tierrez, si Mommy Esther Lahbati.

Ang nanay ni Sarah ang gumupit kamakailan sa mga apong sina Zion at Kai.

Hindi lang daw ngayong pandemic natutong manggupit si Mommy Esther.

Actually, maraming talent si Mommy Esther.

Ang galing din niyang magluto at bongga ang food business nila ni Sarah at maraming may gusto sa kanilang baked lasagna na sobrang sarap!

Lotlot, pahinga muna sa pagluluto

Magaling ding magluto si Lotlot de Leon.

Ang bongga ng mga pagkain niya, kaya naman si Manay Lolit Solis, gustong-gusto ang mga ‘yon.

Feeling ko, medyo tumaba si Lotlot dahil sa kaluluto.

Pero ang maganda ngayong pandemic, kahit panay pa rin ang luto ng anak ni Nora Aunor, aba ang laki na ng ipinayat niya, ‘noh?!

Nagsu-shooting nga pala ngayon si Lotlot ng launching movie nina Ken Chan at Rita Daniela.

Naka-lock in sila ngayon, kaya hindi muna siya nakakapagluto at akting muna ang inaasikaso niya. Ang bongga! ‘Yun na!

ALESSANDRA DE ROSSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with