_pang-masa
^

Pang Movies

John natakot sa COVID

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Maraming salamat po sa mga tumulong kay John Regala.

At sabi nga pala ng malalapit sa actor, ‘wag naman sanang masyadong masamain ng ibang mga tumulong sa kanya ang pagmamadali nitong lumabas ng hospital.

Takot daw si John magtagal sa hospital dahil nga ang daming may COVID.

Baka raw mahawa pa siya (John) kaya gusto niyang sa bahay na lang magpagaling.

Kung tinulungan man daw siya sana ay ‘wag nang sumbatan pa sabi ng isang nagmamalasakit kay John.

May punto naman dahil sa mga hospital nakatambay ang mga COVID na parang naghihintay ng bagong kakapitan.

Naku kaya ingat lahat tayo ha.

Dobleng lungkot…

Dobleng lungkot  ang nararamdaman ng mga taga-Baliuag, Bulacan. Una ay walang celebration na magaganap ngayong August 28 para sa birthday ni Saint Agustin dahil bawal pa rin dahil sa pagkalat ng evil spirit na COVID-19.

Nanalasa rin ang lungkot na nadarama ng mga kababayan ko sa Baliuag sa pagkamatay ng Hermano Mayor ng kapiyestahan na Mr. Jorge Allan Tengco, 49 years old. Namatay siya noong August 19.

Inatake si Jorge Allan na isa sa mga nangunguna sa mga gawaing simbahan dito sa aming probinsiya.

Marami siyang nagawa para maging maayos ang buong simbahan.

Last term na sana niya ngayon bilang Hermano Mayor.

Kaya naman talagang iniiyakan ng lahat ang kanyang biglaang paglisan.

Sana nga talaga ay matapos na ang pandemic na ito.

Bukod sa gawain sa simbahan na naging tradisyon na ay mahirap na ring makiramay ngayon kaya paano ka makikipag-luksa sa pamilya Tengco.

Sobra talaga ang nararansanan nating pandemya.

Ang amin pong pakikiramay.

JOHN REGALA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with