^

Pang Movies

Bagong shows ng TV5, dinagsa ng Kapamilya stars

Gorgy Rula - Pang-masa
Bagong shows ng TV5, dinagsa ng Kapamilya stars

MANILA, Philippines — Mukhang marami naman ang nakatutok sa launching ng bagong shows ng TV5.

Sinimulan ito ng back-to-back game shows na Fill in the Bank na hinu-host nina Pokwang at Jose Manalo.

Sinundan ito ng Bawal na Game Show na hosts naman sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Agree ako sa obserbasyon ng ilang nakatsikahan ko na mas nagustuhan nila ang Fill in the Bank nina Jose at Pokwang.

Mga games ding napapanood sa Eat Bulaga ang ginawa nila, pero maayos ang pagkalatag at masaya naman.

Hindi ko masyado na-gets ang ginagawang palaro ng Bawal na Game Show.

Mabuti na lang at nakakaaliw ang batuhan ng punchlines nina Paolo at Wally.

Hindi ko na napanood ang sumunod na talent show na Bangon Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo, at ang Usapang Real Life ni Luchi Cruz-Valdes na kung saan special guests niya sina Karen Davila at KC Concepcion.

Kapansin-pansing karamihan sa mga nag-guest ay mga Kapamilya talents kagaya nina Jeromo Ponce at Ronnie Alonte na naglaro sa Fill in the Bank at ang mga bagets na sina Kira Balinger at Maika Rivera sa Bawal na Game Show.

Sa tingin namin, mukhang mahihirapan silang makapag-guest ng Kapuso talents dahil ito na ngang TV5 ang makakatapat ng GMA 7.

Sana hindi na maulit ang network war. Nakakatuwa ngang nagpupursige na rin ang ilang istasyon na mag-produce ng mga bagong programa.

Kagaya ng sa Net 25 na meron ng daily variety show sina Anjo Yllana at Kitkat, may talent show ding hinu-host si Vina Morales at isang agri-business show ni Robin Padilla.

Alam ko may mga bago ring gagawin ang PTV 4. Kaya mas maraming mapapanood, mas masaya!

Show ni Alden na pambata, next year na itutuloy

Challenge din kay Alden Richards na ini-endorse niya ang tamang pag-aalaga sa kalusugan, pati ang campaign ng Department of Health laban sa COVID-19 na BIDA Solusyon.

B as in Bawal ang walang mask, I para sa I-sanitize ang mga kamay ng 20 seconds, D o Dumistansya ng isang metro, at A for Alamin ang totoong impormasyon.

Ang mukha ni Alden ang nakabalandra sa kampanyang ito ng DOH at ngayon naman ay ang pag-take Vitamin C.

Inilunsad nga ang Asia’s Multimedia Star noong nakaraang linggo bilang bagong brand ambassador ng Cosmo Cee ng BFCLab nina Niño Bautista at Red Gatus.

Mahalaga talaga sa atin ngayon ang kalusugan kaya maingat din si Alden sa ganitong produktong ini-endorse lalo na itong Vitamin C dahil kailangan din niya.

Nu’ng February pa pala siya gumagamit  nito dahil gusto niya talagang subukan, at umokay sa kanya.

Nu’ng nag-modified enhanced community quarantine ay balik-trabaho na siya sa Eat Bulaga at work from home muna siya sa All-Out Sundays, at inaasikaso nito ang ilang negosyo, kagaya ng McDonald’s.

Nakikita namang healthy si Alden, pero dapat ay ma-maintain niya ito dahil ang tamang kalusugan ang ini-endorse niya.

Mabuti naman at okay daw ang epekto sa kanya ng Cosmo Cee noong tini-take niya ito  dahil sa all-natural at hindi umeepekto sa kanyang hyperacidity.

“I see the results, hindi ako masyadong nagkakasakit when it comes to eto nga rainy seasons. Pag rainy season kasi diyan na ako tinatamaan ng small sickness lang like headaches, simple colds, simple coughs, sometimes fever.

“I noticed, nawala lahat yun eh nang gamitin ko ‘to,” pakli ni Alden.

Ang isa pa dapat sa pinaghahandaan ni Alden ay ang pagbabalik ng Centerstage niya, pero ang latest na nabalitaan namin, baka next year na raw ito dahil mahirap talagang magawa ang konsepto nila dahil mga bata ang contestants.

Kaya okay na muna siya sa daily na Eat Bulaga at ang AOS every Sunday, at kahit paano nakakabawas daw sa stress ang gaming na pinagkakaabalahan niya.

Pero kung sakaling mababalik na sa normal, open si Alden na gumawa ng pelikula na mas mature na raw sana ang tema.

Isa sa hinahangad niyang makasama ay si Bea Alonzo na partner niya sa isang commercial.

Okay din daw na magsama sila uli ni Maine Mendoza sa isang film project, pero sa ngayon ay mas okay na focus daw muna sa Eat Bulaga.

“Mahirap po talagang magplano dahil naka-lockdown pa tayo at mahirap pa talaga mag-shoot ng pelikula at teleserye sa labas.

“Kaya focus po muna kami sa Eat Bulaga at hintay na lang po kung meron po possible projects,” sabi pa ni Alden sa virtual presscon na ibinigay sa kanya ng Cosmo Cee.

                                                                               

JOSE MANALO

POKWANG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with