^

Pang Movies

Unang digital fancon ng Hello Stranger kasado na, 9 million ang views

Pang-masa

Tickets mabibili sa KTX.PH

MANILA, Philippines — Magaganap na ang pinaka-unang digital fan conference para sa patok na online series na Hello Stranger ngayong Linggo (August 16) 2 PM na magbibigay ng pagkakataon sa fans na makasama ang kanilang idolo online via KTX.PH.

Sa pagtatapos ng series, naghanda ang ABS-CBN para sa fans ng salu-salo na puno ng games, surprise guest, at pagkakataong makapanood ng finale episode Nang mas maaga sa August 19 airing date nito. Mabibili ang tickets para dito sa halagang P99 sa KTX.PH.

Ang Hello, Stranger ang unang weekly digital series mula sa ABS-CBN Films’ Black Sheep tungkol sa pagmamahalan at pagkakaibigan ng dalawang college boys mula sa magkaibang mundo, ang happy-go-lucky athlete na si Xavier (Tony Labrusca) at ang masipag mag-aral at magalang na si Mico (JC Alcantara).

Sa huling episode, natapos na sa wakas nina Mico at Xavier ang kanilang school play project, na na­ging paraan para ilabas nila ang kanilang totoong nararamdaman para sa isa’t isa. Sa payo ng mga kaibigan na ipagtapat ang kanyang totoong nararadaman para kay Xavier, napagdesisyunan ni Mico na gawin ito.

Magkakaroon ba siya ng lakas na umamin o matakot at hindi ituloy ang plano?

Dahil higit sa nine million views na ang nalikom ng series, ito ngayon ang most-watched Boys’ Love series sa Pilipinas.

Ang fan conference na ito ang ay isa sa mga pinaka-bagong digital entertainment experience offerings ng ABS-CBN kasunod ng inilunsad na Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook na naaabot ang mas maraming Pilipinong naghahanap ng entertainment na may tatak Kapamilya. 

Ilan sa mga naging matagumpay na Kapamilya Tickets Online offerings ay ang Jed Madela’s New Normal, JaMill’s Tayo Hanggang Dulo,  K Brosas   20k20, at iba pang special exclusive events.

Abangan ang iba pang exciting experiences mula KTX.PH.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with