^

Pang Movies

Dingdong handa na sa lock-in

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Dingdong handa na sa lock-in

Tuloy na ang balik-taping ng Pinoy adaptation ng K-drama na Descen­dants of the Sun next month, first week of September. Ito ang sagot ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa interview sa kanya ng 24 Oras kung ready na siya na matagal-tagal na magti-taping ang asawang si Dingdong.

“Ready na ako, inihanda ko na ang lahat ng dadalhin ni Dong sa taping,” sagot ni Marian. “Twelve days yata ang straight taping nila. Bilin ko lamang sa kanya ay mag-ingat silang lahat, at ang mahalaga ay makabalik silang lahat na ligtas.”

Kaya si Marian, habang wala si Dingdong ay tutukan ang distant online learning ni Zia na nagsimula na at ang pag-aalaga sa bunso nilang si Ziggy.

Dagdag na info na nakuha namin tungkol sa DOTS Ph, natapos ang airing nila noon bago ang lockdown, na nagsisimula na ang earthquake scene, at may ilan pa palang naiwang eksena at iyon na ang itutuloy nila. 

Magkakaroon din sila ng recap ng serye bago nila ipalabas ang fresh episodes na ginawa nila, sa last quarter of 2020.

Ang mauunang mag-recap ay ang Prima Donnas. Bukas, Lunes, mapapanood muli ang teleserye na nagtatampok kina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo. Siyempre pa ay masayang-masaya ang tatlo, ganoon din ang gumaganap na kontrabida sa buhay nila, si Elijah Alejo.

Nagpahayag din ng pagkatuwa sina Katrina Halili, Chanda Romero, Wendell Ramos at maging si Director Gina Alajar.

Sa ngayon ay inihahanda na rin ng GMA Entertainment Group ang pagri-resume ng taping ng Prima Donnas. Inaayos pa nila ang mga requirements para sa mga younger cast ng teleserye.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with