^

Pang Movies

Alden puring-puri ang mga K-drama, gustong gumanap na Kim Soo-hyun

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Alden puring-puri ang mga K-drama, gustong gumanap na Kim Soo-hyun
Alden Richards

Given a chance, gusto ni Alden Richards na gampanan ang character ni Kim Soo-hyun sa  K-drama na It’s Ok to Not Be Okay na last week lang nagtapos.

‘Yan ay kung magkakaroon ito ng local adaptation tulad ng Descendants of the Sun ni Soong  Jong-ki na ginampanan ni Dingdong Dantes ang local version.

All praises siya sa nasabing K-drama na kuwento ng magkapatid na mentally challenged ang eldest brother.

Anyway, tulad ng karamihan, grabe rin ang naramdamang anxiety ni Alden ngayong pandemic.

Ayon sa actor, ‘yung  lalabas lang siya para mag-grocery ay nakakaramdam na siya ng takot dahil baka maiuwi niya ang virus eh kasama niya ang kanyang pamilya.

Kaya naman lahat ng pag-iingat ay ginagawa nila sa bahay para makaiwas sa COVID-19 kasama na ang pag-inom ng vitamin c.

At dahil sunud-sunod ang trabaho niya ngayon, ang daddy niya ang lumalabas para sa kanilang kailangan sa bahay.

Anyway, big event ang media launching ng bagong endorsement ng Kapuso actor na Cosmo Cee kahapon.

Sa kabila nga ng health crisis na kinakaharap ng bayan ay tuloy ang maraming endorsement ni Alden at kasama rito ang Cosmo Cee.

Kaya naman very thankful ang aktor sa mga natatanggap na biyaya.

Samantala, nag-e-expect si Alden na makakasama niya si Bea Alonzo sa isang project after ng  kanilang endorsement. “Sana po we can do other project aside from that commercial.”

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with