Julia, walang balak balikan si Joshua
Julia Barretto is pretty sure na hindi magiging daan ang muli nilang pagtatambal ng dating boyfriend na si Joshua Garcia, para, kumbaga, sila ay magkabalikan. Yes, bilang magkasintahan.
Yes, they are back together sa original digital special, E-numan, produced by Kapamilya Online.
Ang importante, she said, magkatrabaho silang muli at, henceforth, mananatiling maging magkaibigan.
Michael, nauunahan
na ang kapatid!
Mukhang mauunahang sumikat ni Michael Pacquiao ang kanyang older brother na si Jimuel.
Both brothers, na anak ng Pambansang Kamao na si Sen. Manny Pacquiao and wife, Jinkee, are in showbiz.
Ang maging singer ang dream ni Michael, who, bukod sa mahusay umawit, ay lumilikha rin ng awitin.
Hanga sa kanya ang sikat na singer na si Chito Miranda.
Ang maging action star naman ang focus ni Jimuel, na minsan nang na-link sa pasikat na aktres na si Heaven Paralejo.
Diego, masaya para sa ex
Happy si Diego Loyzaga for his former ka-love team, si Sofia Andres, who is now a mom to a few months old baby.
Father of Sofia’s baby is Daniel Miranda, who is from Australia, kung saan doon din ito ipinanganak ni Sofia.
Two years din palang hindi naging aktibo si Diego, who was last seen in the series, Los Bastardos.
He is raring na makapagtrabahong muli, if not in the series, sa pelikula raw kaya.
Diego’s dad, of course, is Cesar Montano. His mom is actress Teresa Loyzaga.
Willie, dapat tutukan ang bigay na P5M
Kanino kaya, Salve A., in-entrust ni Secretary Harry Roque, and dimano’y P5M na ibinigay sa kanya ng TV host na si Willie Revillame, supposedly pamigay na ayuda sa mga umaangal na jeepney at tricycle drivers?
Bakit hanggang ngayon marami pa rin sa kanila, lalo sa jeepney drivers, na patuloy pa ring namamalimos para may pambili sila ng makakain ng kanilang pamilya.
Hoy, Willie, tutukan mo kung kanino napunta ang “pantulong” na ibinigay mo.
- Latest