Inuulan ng biyaya kahit pandemya...
Inuulan pa rin ng biyaya si Alden Richards kahit may pandemya.
Eh naging health buff pa siya kaya naging daan ito upang kunin siyang brand ambassador ng BARGN Farmaceuticals Phils. Inc. ng produkto nitong Cosmo Cee 60 na may Citrus Bioflavonoids.
Sa totoo lang, maipagmamalaki ng Asia’s Multimedia Star ang maganda niyang pangangatawan nitong quarantine. “It has enabled me to fortify my own self and maintain my energy levels and immunity that were necessary in my busy lifestyle,” sabi ni Alden.
Bukod sa pag-inom ng supplements, todo-exercise si Alden para mapanatili ang malusog at healthier na pangangatawan. May sinusunod rin siyang healthy diet.
Paalala ng Kapuso actor sa kanyang Instagram stories sa mga “Stay at home and please stay healthy.”
Kasalukuyan siyang napapanood live portion at rerun ng Eat Bulaga at sa replays ng unang hit series na One True Love.
- Latest