^

Pang Movies

John, matigas ang ulo

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Alam mo, Salve A., mukhang give up na kami nina Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong, Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson Liza Diño, actress-entrepreneur na si Nadia Montenegro at actor na si Chuckie Dreyfus sa pagtulong sa may sakit na actor na si John Regala dahil siya mismo ang nagpapahirap sa kanyang sarili at sa mga taong tumutulong sa kanya.

Lahat naman ng bagay ay may hangganan.

Natatakot kami na muling bumalik si John sa dati niyang kondisyon dahil wala itong pinakikinggan at sinusunod.  Maging ang very reliable caregiver na nakuha namin para bantayan at alagaan si John ay bumigay na rin at gusto na rin nitong umalis.  Kapag naiwang mag-isa si John sa kanyang tinutulu­yang condo provided for him ng Iglesia ni Cristo, worse can happen.  Wala siyang kamag-anak na mag-aalaga  sa kanya.

Although John’s health condition improved sa kanyang eight-day confinement sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) dahil naalagaan siya roon ng doctors and nurses at na-manage ang kanyang iniindang sakit, back to square one naman ang actor.

Sa parte namin nina Cong. Ong, Liza, Nadia at Chuckie, nagawa na namin ang tulong na puwede naming ibigay sa kanya. Nakakalungkot lamang na ito’y hindi pinahalagahan ni John.  Ultimo ang kanyang unang ex-wife na si Au Manansala-Hunt na nasa Amerika ay hindi rin nagkait ng tulong sa kanya.

We feel sorry for John, pero mukhang hanggang doon na lamang ang tulong na puwede naming ibigay sa kanya dahil may hangganan naman ang lahat.

Anak ni Echo, ayaw maging aktor

Ipinaliwanag sa amin ng dating ramp model-turned entrepreneur na si Kai Palomares na hindi ang pag-aartista ang dahilan kaya lumagda ng management contract sa Viva ang anak nila ng actor na si Jericho Rosales, ang 19-year-old na si Santino Rosales kundi bilang modelo at host.

Gusto ng binata ni Echo (Jericho) na ma-hone ang kanyang hosting skills at makagawa ng product endorsements but not acting na malayo umano sa kanyang passion.

Si Santino ay nasa second year college ng Interdisciplinary Business Management sa De La Salle University kung saan din siya miyembro ng football team.

Sixteen years old lamang si Santino nang siya’y magsimula sa pagiging ramp model na kanyang minana sa kanyang inang si Kai. Nagkakasundo naman sila ng kanyang amang si Echo sa pagdyi-gym at pagsu-surf.

Si Santino ay business partner ng kanyang inang si Kai sa kanilang itinayong restaurant in Parañaque, ang Kaisant (pinaghalong pangalan nina Kai at Santino) na nagbukas noong nakaraang May. Since nasa modified enhanced community quarantine ngayon ang Metro Manila at ibang karatig na lugar, focused ang kanilang restaurant ngayon sa food pick-up and delivery. When things get better, gusto ni Saint (palayaw ni Santino) na magbukas ng sarili niyang franchise ng Kaisant hopefully, next year.

May taas na 6 ft. tall, aminado si Saint na big crush niya ngayon ang Korean-American singer-actress at miyembro ng all girls K-Pop na Momoland na si Nancy McDonie.  Hiwalay na rin umano siya sa kanyang ex-girlfriend of three years.

Kapamilya talents, inaabangan na sa TV5

Dahil sa pandemya, milyun-milyon ang mga walang hanap­buhay ngayon na nadagdagan pa sa pagkakait ng Kongreso sa panibagong franchise ng ABS-CBN noong nakaraang July 10, 2020.  Bukod sa libu-libong mga empleyado ng Kapamilya Network, kasama rito ang maraming talents – artista, radio and TV anchors, mga production and technical people, writers, directors at iba pa.

Dahil sa pagiging aktibong muli ng entertainment division ng TV5, tiyak na magiging visible ang maraming Kapamilya talents sa Kapatid Network na pinamumunuan ng president at CEO na si G. Robert Galang.

Simula sa araw na ito ng Sabado, August 15 ay mapapanood sa TV5 ang mga bagong entertainment programs at kasama na rito ang Usapang Real Life with Luchi Cruz-Valdes kung saan si KC Concepcion ang special guest sa unang episode.  

 

vuukle comment

JOHN REGALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with