^

Pang Movies

Jennylyn, tuloy ang pakikipaglaban!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jennylyn, tuloy ang pakikipaglaban!

Bakit ayaw pa yatang matapos ng controversy ng tweets ni Jennylyn Mercado, Salve.

Ang tagal na noon pero bakit nagli-linger pa rin? Bakit ayaw maniwala na ‘yung mga matatapang na salita sa tweets ay galing kay Jennylyn at naniniwala silang merong ghost writer na involved?

Siguro naman pag ganoon na kaseryoso ay dapat lang panindigan mo na sa iyo nanggaling ang mga salita at hindi gawa ng iba.

Heto kasi at bigla na lang parang naging relevant na relevant at vigilant si Jennylyn, samantalang isa siyang very sweet young innocent lady na ngayon ay parang aktibista na kasali sa lahat ng issue. Bongga.

Hanggang ngayon hayan siya sa news, bongga ‘di ba, newsworthy kaya siguro type niyang sumali.

Ok lang, basta tanggapin din niya ang consequences, andiyan naman si Vinia Vivar na ipa-fight siya kaya ok lang.

Go Jennylyn, tweet pa.

Sharing good luck…

Nagpadala ng five kilos na bigas ang House Of Obagi sa ilang showbiz writers. Hindi ito ayuda kundi dahil sa good harvest ng Bulacan farmers this year na surprisingly ay naging ok nga ang bounty dahil sa pag-ulan na tama lang at hindi nakasira sa mga tanim.

Bilang share nila ng good luck, pinadalhan ni Dr. Paolo Santos ng maliliit na sako na may lamang five kilos ang bawat isa ng magandang klase ng bigas na parang lucky grain para sa showbiz writers.

Cute gesture ito from a beauty clinic na talagang hindi mo aasahan na maiisip pang magbigay ng ganito na isang biyaya dahil hindi ba isang suwerteng regalo na maituturing ng lahat pag binibigyan ka ng bigas.

Sa House of Obagi, Dr. Paolo Santos, thank you po.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with